Transportation Network Vehicle Service magsasagawa ng protesta vs Land Transportation Franchising and Regulatory Board

June 10, 2019
Transportation Network Vehicle Service

MAGSASAGAWA ng protest caravan ang mga driver at operator ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) bilang protesta sa paka deactivated ng Grab Philippines ng kanilang account.

Ayon sa HatchBack community alas-5 ng madaling araw magsamasama na sila sa Quezon Memorial Circle, Eliptical road Quezon City bago diretsong pumunta sa head office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makipagusap kay Chairman Martin Delgra III para sa kanilang concerns.

Ayon sa grupo sila ay bahagi ng 8,000 TNVS na dine-activate o inalis sa account ng Grab simula kahapon.

Sa press conference kahapon sa Quezon City sinabi ng mga ito na sinunod naman nila ang lahat ng requirements na kailangan pero dahil umano sa kupad ng proseso ay hindi na sila nakaabot sa pagpasa ng requirements sa Grab.

Ayon kay Leonardo de Leon, Hatchback Community chair, nananawagan sila sa LTFRB para sa pagpoproseso ng papel at dokumento.

“Napakahirap pong mag-process ng mga documents—napakarami,” ani De Leon.

Sinabi naman ni Hatchback Community founder Jhun Rico Desidido, “Pabalik-balik ang follow up … Ang palaging sinasabi sa akin ay ‘For signature’, gaano ba katagal ang pagpirma?” saad nito.

Nanawagan din ang grupo kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at President Rodrigo Tugade na pakialamam ang kanilang problema.