Worker na nag-upload sa social media ng pangmomolestiya sa 15-anyos, huli

November 23, 2018

BUGBOG-sarado ang isang construction worker na ina-kusahang nangmolestiya sa 15-anyos na dalagita na kanya pang kinuhanan ng video matapos tangkaing makipagkitang muli sa biktima kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Inakala ni Ricky Sigovia, alyas Renz Valdomar, 43, ng Bldg. 2, Room 205 MRV, Bgy. San Roque, Navotas City, na muli niyang matitikman ang ligayang idinulot ng ginawang pag-oral sex sa kanya ng biktimang itinago sa pangalang Margie halos isang buwan na ang nakakalipas subalit nag-aabang na pala sa kanya ang mga kaanak ng biktima na halinhinang gumulpi sa kanya.

Sa imbestigasyon ni PO2 Mary June Belza ng Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), Oktubre 27 nang maka-chat ni Margie ang nagsilbing bugaw na si Jhenel AJ Ramos ng Bicol Area, Bgy. Tanza, Navotas City at ipinakilala sa kanya si Sigovia sa pangalang Renz Valdomar.

Pumayag na makipagkita si Margie sa dalawa noong araw ding iyon nang imbitahan siyang kumain at mamasyal hanggang sa dalhin umano siya sa isang hotel sa Bgy. Baritan, Ma-labon, at doon ay may pinainom sa kanya na naging dahilan upang makatulog siya.

Dakong alas-8:30 na ng gabi nang magising umano ang dalagita at pilit siyang inaya ni Sigovia sa loob ng comfort room para makipag-sex subalit tumanggi ang biktima.

Sinabihan umano ng suspek si Margie na makipag-oral sex kung ayaw niyang makipagtalik kaya’t napilitan na lamang siyang gawin ang gusto ng lalaki.

Ang hindi alam ni Margie, kinukuhanan pala ni Sigovia ng video ang kanyang ginagawa sa suspek hanggang sa matuklasan ng kanyang mga kaanak at magulang ang nangyari nang kumalat na sa social media ang kanilang sex video.

Nagsumbong naman ang mga magulang ni Margie sa mga opisyal ng barangay na nagpayo sa biktima na i-text ang suspek upang magkita silang muli sa harap ng simbahan ng San Roque na naging dahilan ng kanyang pagkakadakip.

Sa panayam sa suspek, itinanggi niya na siya ang nagpakalat ng video bagama’t inamin niyang natuwa lang siyang kuhanan ang ginagawa sa kanya ng biktima.

Hiniram umano sa kanya ni Ramos ang kanyang cellphone na siyang nag-upload sa social media ng malaswang eksena na naging dahilan upang magreklamo ang mga magulang ng dalagita.