Worker umaming nanghalay, kulong

December 18, 2018

Bumagsak sa kulungan ang isang construction worker matapos na aminin sa pulisya ang panghahalay at pagpatay sa isang  24-anyos na dalaga sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Batay sa inisyal na report sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang bangkay ng biktima na nakilalang si Joniecar Dela Cruz Letran, 24, dalaga, sa loob ng kanyang silid sa No. A 18 Cadena De Amor St., Pingkian-3, Zone 1, Bgy. Pasong Tamo, QC.

Hawak naman ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang si Rommel Baraga Fermento, 32, binata, construction worker, tubong Suarez, Iligan City, at pansamantalang nangungupahan sa bahay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Anthony Tejerero ng QCPD-CIDU, nangungupahan umano ang nasabing suspek sa bahay ng biktima dahil malapit lamang doon ang pinagtatrabahuhan nitong construction site.

Bago natagpuan ang bangkay ng biktima, ay huling nakita ito sa birthday ng kapitbahay nito na nakikipag-inuman, kasama ang suspek.

Dakong alas-11 ng gabi ay umuwi na ang dalaga para matulog, subalit kinaumagahan ay pinuntahan umano ito ng kanyang tatay sa kanyang silid upang utusan na magsaing.