Home>News>Nation>154 prov’l buses mula R8 pinayagan sa 6 na ruta

154 prov’l buses mula R8 pinayagan sa 6 na ruta

SIMULA bukas November 2, 2020, papayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumiyahe ang 154 provincial buses sa anim na ruta mula sa Region 8 pabalik ng Metro Manila.

Sa official statement ng LTFRB, ang order ay batay sa Memorandum Circular No. 2020-051-B na inilabas ng ahensya noong Oktubre 30, 2020.

Wala ring fare increase ayon sa agency, maliban na lang kung may order ang board.

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity. Kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.

Para makuha ang QR code, magpadala lamang ng request sa aming FACEBOOK PAGE para sa QR code, kasama ang mga sumusunod na impormasyon: pangalan, mode (hal. PUJ, UVE, etc), case, plaka o chassis number.

Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;

2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;

3) Bawal kumain;

4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;

5) Laging magsagawa ng disinfection;

6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at

7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga operator at driver ng provincial buses na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Ang mga routes na binuksan ay ang mga sumusunod;

1 ORMOC CITY, LEYTE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

2 PALOMPON, LEYTE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

3 TACLOBAN CITY, LEYTE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

4 MAASIN CITY, SOUTHERN LEYTE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

5 CATARMAN, NORTHERN SAMAR – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

6 LAOANG, NORTHERN SAMAR – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight