Home>News>Nation>221 prov’l buses bumiyahe na sa 7 ruta mula R6 pabalik MM

221 prov’l buses bumiyahe na sa 7 ruta mula R6 pabalik MM

NAGSIMULA ng bumiyahe kahapon, November 18, 2020, ang 221 provincial buses sa pitong routes mula Region VI, at pabalik ng Metro Manila, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ang order ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 2020-051-C na inilabas ng board ngayong Nobyembre 16, 2020.

Reminder ng LTFRB ang no fare increase, except kung may order ang agency kung may pagbabago sa pamasahe.

Mahigpit ding ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts: 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at

7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.

Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga operator at driver ng provincial buses na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Narito ang mga routes na puwede nang bumiyahe: 1. KALIBO, AKLAN – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA; 2. MALAY, AKLAN – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA; 3. SAN JOSE, ANTIQUE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA; 4. ROXAS CITY, CAPIZ – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA;

5. ESTANCIA, ILOILO – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA;

6. ILOILO CITY, ILOILO – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA at

7. MIAG-AO, ILOILO – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA.

Kaugnay nito, hiniling ng Provincial Bus Operator Associations of Philippines (PBOAP) na (LTFRB) ipatupad sana ang terminal to terminal routes upang magamit ang kanilang mga terminals na nasa loob ng Metro Manila, na mas convenient kapwa sa commuters, drivers, conductors at sa publiko.