Home>News>Nation>3 dedo sa co poisoning

3 dedo sa co poisoning

Gumamit ng generators nang mawalan ng kuryente, 10 naospital

TATLONG katao ang nasawi habang 10 naman ang isinugod sa pagamutan matapos malason sa carbon monoxide kaugnay ng paggamit ng mga ito ng generators sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Albay.

Ang insidente ay naganap sa gitna ng paalala ng Department of Health for Health Development (DOH-CHD) sa kapahamakang dulot ng paggamit ng generator dahil sa pagkawala ng kuryente sa lugar dahil na rin sa pinsalang dulot ng magkakasunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.

Ayon kay Albay Provincial Police spokesman Captain Dexter Panganiban, dalawa ang nasawi at dalawa ang nasa pagamutan sa bayan ng Tiwi habang isa naman ang nasawi at walo ang isinugod sa ospital sa Ligao City.

Lahat ng biktima ay inilipat sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) para sa mas karagdagang gamutan.

Una nang inihayag ng DOH-Bicol na masama sa kalusugan ang generators lalo na kung hindi ito magagamit ng tama.

Ayon sa paalala, ang generators ay posibleng makaimbak ng carbon monoxide (CO) sa loob ng bahay, garahe o gusali na posibleng maging sanhi ng pagkalason ng tao.

Clinicians and the general public are warned to watch out for symptoms that are related to CO poisoning,” pahayag ni DOH-Bicol assistant regional director Ferchito Avelino .

Kabilang aniya sa sintomas ng carbon monoxide poisoning ang pananakit ng ulo, hirap sa paghinga, altered mental status and behavior, fatigue, malaise o general feeling of sickness, pagkahilo, hirap sa paglalakad, malabong paningin, pagkalito at impaired judgement, nausea, pagsusuka, rapid breathing , chest pain , rapid o irregular heartbeat.

Publication Source :    People's Tonight
Zaida I. Delos Reyes
Native of Pampanga, resident of SJDM, Bulacan