Home>News>Nation>44 NP solons solid suporta kay Velasco

44 NP solons solid suporta kay Velasco

Camille Villar
Deputy Majority Leader at Las Piñas City Rep. Camille Villar

SOLIDO ang suporta ng 44 kongresista ng Nacionalista Party (NP) sa liderato ni Speaker Lord Allan Velasco kasabay ng pahayag na lalong tumibay ang kanilang alyansa kay Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte upang maisulong ang legislative agenda nito, kabilang ang kampanya laban sa katiwaian.

Iginiit ni Deputy Majority Leader at Las Piñas City Rep. Camille Villar, isang lider ng NP, ang kahalagahan ng nagkakaisa ang supermajority ng Kamara de Representantes sa ilalim ng liderato ni Velasco upang epektibong ipatupad ang mga programa ni Pangulong Duterte para buhayin ang nanamlay na ekonomiya at labanan ang pandemyang dulot ng coronavirus disease-19 (COVID-19).

“Amid the recent development in the House of Representatives, the Nacionalista Party remains steadfast in supporting the legislative agenda of the President as his government endeavors to bring solutions to the problems of the country, especially now that we are in the middle of the pandemic,” ayon kay Villar.

“The party nevertheless extends its collaborative hand to the new House leadership and vows to work closely with their team to ensure the success of the President’s legislative and economic agenda,” ayon sa babaeng lider ng Kamara de Representantes.

Iginiit ni Villar na matibay ang liderato ng Pangulo dahil na rin sa solidong suporta at aktibong trabaho ng mga kasapi ng Gabinete upang iangat ang ekonomiya ng bansa.

“We believe that the country is in a better position to rise from the challenges of this pandemic and ultimately, facilitate the delivery of the cure against COVID 19,” ani Villar.

Inihayag rin ni Villar ang kanyang kagustuhan na maging co-author ng panukalang batas na magkakaloob ng anti-red tape powers kay Pangulong Duterte na bilisan ang proseso ng pagkakaloob ng mga lisensiya at permniso sa panahon ng national emergencies bilang isa sa pinaka-epektibong paraan upang labanan ang katiwalian sa pamahalaan.

“We join President Rodrigo Roa Duterte in his unrelenting campaign to weed out corruption in government, which is stealing precious resources that should have gone directly to the people,” dagdag ni Villar.

Publication Source :    People's Tonight