Home>News>Nation>816 traditional jeepney bibiyahe sa 16 routes

816 traditional jeepney bibiyahe sa 16 routes

PANIBAGONG 816 na traditional jeepney sa 16 na routes ang makakabiyahe na simula November 11, 2020, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ito ay ayon sa pinakabagong Memorandum Circular (MC) 2020-071 na inilabas ng LTFRB para sa karagdagang units ng traditional jeepney sa 16 na routes.

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity.

Kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).

Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang TPUJ, maliban na lang kung ipag-uutos ito ng LTFRB.

Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;

2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;

3) Bawal kumain;

4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;

5) Laging magsagawa ng disinfection;

6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at

7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga TPUJ na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Narito ang mga sumusunod na modified TPUJ routes na magbubukas bukas base sa MC 2020-071:

T276 Edsa/Shaw Blvd – E. Rodriguez (Brgy. Ugong), Vargas Ave.

T277 Edsa/Shaw Blvd – E. Rodriguez /Ortigas Ave.

T278 Edsa/Shaw Blvd – E.R. Ort via Shaw Blvd

T279 Edsa/Shaw Central – Pateros

T3180 Dapitan- Libertad via Mabini

T3181 Dapitan- Pasay Rtda via L. Guinto

T3182 Del Pan – Guadalupe

T3183 Divisoria – Pasay Rtda via L. Guinto

T3184 Divisoria – Punta via Sta. Mesa

T3185 Libertad – QI via L. Guinto

T3186 Malanday – Pier South

T3187 Proj. 2&3 – Remedios via E. Rodriguez

T440 Filinvest City Located at Alabang, Muntinlupa

T441 Kabihasnan – Sucat

T442 Nichols – SM Mall of Asia via Macapagal Ave

T443 Sucat – Market Market (Fort Bonifacio, Taguig).

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight