Home>News>Nation>91st Malasakit Center binuksan sa Antique

91st Malasakit Center binuksan sa Antique

MalasakitDUMALO si Senador Bong Go sa virtual launch ng 91st Malasakit Center sa Angel Salazar Memorial General Hospital sa capital town ng San Jose de Buenavista sa Antique province.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa medical assistance mula sa pamahalaan.

Ito ang kauna-unahang Malasakit Center sa Antique at pang-anim sa Western Visayas.

Sinabi ni Go sa kanyang talumpati na labis siyang nagpapasalamat sa mga frontliners sa healthcare community sa patuloy na pagbibigay ng “best care and services” sa kanilang mga pasyente at komunidad.

Gusto ko pasalamatan ang administrative staff [ng mga ospital] at, lalong-lalo na, ang mga medical frontliners para sa inyong dedikasyon at sakripisyo sa inyong profession. Sa kabila ng peligro na dala ng COVID-19, patuloy pa rin kayong nagsasakripisyo para sa ating mga kababayan. Buhay ninyo ang nakataya dito kaya maraming, maraming salamat,” ayon kay Go.

Binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng pagtiyak na stable ang healthcare system ng bansa sa pamamagitan ng kanyang hindi matatawarang oras at ipinahayag ang commitment ng pamahalaan na lutasin ang isyu ng korapsyon na kinahaharap ng Philippine Health Insurance Corporation.

Pasensya na po dahil talagang may problema ang PhilHealth sa korapsyon pero hindi kami titigil ni Pangulong Duterte. Tuloy-tuloy ang kampanya namin laban sa korapsyon sa gobyerno. Sa kung sino man ang napatunayang nagnakaw…sa pondo ng taumbayan ay talagang hahabulin at yayariin namin kayo,” pangako ni Go.

Pinagpawisan ng ating mga kababayan ang mga remittances diyan sa PhilHealth kaya sisiguraduhin namin na walang piso ang masasayang sa kaban ng taumbayan,” patuloy na pahayag nito.

Bago pa maging Senador ng bansa ay sinabi ni Go na ginagawa na niya na matiyak na maayos at mahusay ang pagbibigay ng healthcare services sa milyong Filipino.

Kaya matapos na mahalal bilang senador ay kagyat niyang iniakda at itinulak ang pagpapasa ng batas na magbubuklod sa mga tanggapan at ahensiya ng pamahalaan para sa mga taong naghahanap at humihingi ng medical assistance.

Ang mga ito ani Go ay ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, PhilHealth at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang Republic Act No. 11463, mas kilala rin bilang Malasakit Centers Acts of 2019, ay nilagdaan ni Pangulo noong nakaraang Disyembre 2, 2019.

Sa naging talumpati pa rin ni Go ay kinilala niya ang local government officials at national agencies na hindi napapagod na gampanan ang kanilang mandato para mapagsilbihan ang kanilang mga constituents sa kabila ng nagpapatuloy na krisis.

Sa kabilang dako, kabilang naman sa mga nakiisa sa virtual launch sina House Deputy Speaker and Antique Representative Loren B. Legarda, Governor Rhodora Cadiao, Vice Governor Edgar Denosta, Secretary Michael Lloyd Dino of Office of the Presidential Assistant for the Visayas, at iba pang opisyal at kinatawan mula sa DOH, DSWD, PCSO at PhilHealth bilang partner agencies ng Malasakit Center.

Kinuha naman ni Go ang pagkakataon para pasalamatan si Deputy Speaker Legarda para sa kanyang walang kapagurang suporta at nakatutulong na payo para sa nakalipas na taon.

Sa panig naman ni Legarda, pinuri niya si Go sa patuloy na pagsisikap nito na dalhin ang serbisyo ng pamahalaan malapit sa mga tao.

Partikular na pinasalamatan ni Legarda ang ginawa ni Go na pagkonsepto at pag-institutionalize sa Malasakit Center program na naglalayong maging mas convenient para sa mga Filipino na makakuha ng medical assistance mula sa pamahalaan.

I am very happy to support the vision of our hardworking and humble senator. I am so grateful that, as the representative of Antique [where we need] health care most, you have not forgotten us. In fact, you have made us part of the beneficiaries of the Malasakit Centers,” pagsisimula ni Legarda.

This is what we need in government indeed: convergence. ‘Wag natin pahirapan ang mga mahihirap na paikot-ikot, mahirap na nga, papahirapan pa […] I am extremely happy to share in your joy of this inauguration [of] the Malasakit Center that many indigent Antiqueños will benefit from because of your kind generosity. We are forever grateful,” pagpapatuloy ni Legarda.

Matapos ang event, namahagi naman ang grupo ni Go ng mga pagkain sa mga miyembro ng hospital staff at pasyente.

Nagbigay din sila ng bisikleta sa mga piling staff members para sa mas maayos at ligtas na pagbyahe papasok sa trabaho sa gitna ng travel restrictions.

Ang iba naman ay nakatanggap ng tablets para sa kanilang mga anak na gagamitin sa kanilang online classes sa ilalim ng bagong blended learning approach.

Namigay rin ang DSWD ng cash assistance sa 168 na pasyente ng nasabing ospital.

Nagpapasalamat kami ni Pangulo na binigyan ninyo kami ng pagkakataon para manilbilhan. Siya po ay isang mayor na ginawang president at ako naman ay isang ordinaryong staff niya na binigyan rin ng Panginoon ng pagkakataon na manilbihan sa inyo. Wala na po kaming hihilingin pa. Ibabalik namin sa tao ang serbisyo na dapat sa inyo,” pangako ni Go.