Home>News>Nation>Antipolo City LGU naglaan P300M pambili ng COVID-19 vaccine

Antipolo City LGU naglaan P300M pambili ng COVID-19 vaccine

NAGLAAN na ng P300 milyon ang lokal na pamahalaan ng Antipolo City para sa iniorder nitong bakuna laban sa COVID-19.

Kasabay nito ay sinabi ni Antipolo City Mayor Andeng Ynarez na inilalatag na rin nila ang mga alituntunin para sa kanilang gagawing libreng pagbabakuna na ikinoordina nila sa tulong ng National Task Force on COVID-19 at sa Department of Health.

Darating ngayong taon ang COVID vaccines na ating inorder sa tulong ng NTF at DOH,” sinabi ni Mayora Ynares.

Hindi umano ito sapilitan, ayon pa kay Mayora Ynares, naiintindihan niya kung nangangamba ang ilang mga kababayan niya sa bakuna, sa likod na rin na idinulot na bangungot ng Dengvaxia vaccine.

Nauunawaan namin ang pangamba ng iba dahil sariwa pa sa ating mga isipan ang dulot ng side effects ng bakunang Dengvaxia. Ang libreng COVID vaccination program po ay magiging voluntary para po sa mga Antipolenyong nais magpa- bakuna,” sabi niya.

Naka-handa na po ang ating health team para sa target roll-out sa 3rd-4th Quarter of 2021. Standby lang po sa mga susunod na abiso kung paano ang magiging roll-out at implementation alinsunod sa guidelines ng NTF at DOH. Naglaan po tayo ng P300 million para sa programang ito,” pahayag ni Mayora Ynares.