Home>News>Nation>Antipolo hinanda COVID-19 detection dogs

Antipolo hinanda COVID-19 detection dogs

MATAPOS nilang sumailalim sa apat na buwang training, inihanda na ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City ang makakatulong na mga alagang aso para mag-detect ng COVID-19.

Ayon kay Mayora Andrea “Andeng” Ynares (Pangatlo mula sa Kaliwa), ginagawa ito ngayon ng ibang mga bansa tulad sa Estados Unidos pati din sa mga bansa sa Middle East at Europe.

Paliwanag ni Mayora Ynares, magtatalaga ng mga trained K-9 dogs sa Mega Testing (swabbing) Facility sa Events Center sa Ynares Center bago idestino sa ibang mga matataong lugar tulad ng ospital, palengke, atbp.

Ang mga K-9 ay magsisilbing screening test bago tumuloy sa pagpapa Rapid Test o RT-PCR swab test ang ating mga kababayan matapos makuha ang kanilang pag payag.