Home>News>Nation>Apela ni Acosta kay PRRD: Wag tanggalan ng pag-asa mahihirap

Apela ni Acosta kay PRRD: Wag tanggalan ng pag-asa mahihirap

MISMONG si Public Attorneys Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta ang umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na ‘wag tanggalan ng pondo ang Forensic Laboratory Division ng Public Attorneys Office (PAO).

Pinapahina nila ang kakayahan ng PAO at isang pambabastos ang ginagawa kay Pangulong Duterte at sa DBM na nagnanais protektahan at tulungan ang mahihirap nating kababayan na humihingi at lumalapit sa PAO, huwag naman nilang tanggalan ng pag-asa ang mahihirap,” saad ni Acosta sa isang press conference sa head office ng PAO sa Quezon City,

Pinapahiya nila si Presidente Duterte, igalang naman nila ang plantilla positions ng pitong doctors ng PAO, hindi naman yan duplicate. Ang CHR nga mayroon din ganyan pero yun ang mas pinapalakas,” saad ni Acosta.

May special mandate po ang PAO, independent at autonomous po kami, pagyurak yan sa pangalan ng PAO, dahil lamang sa insertion iteterminate agad ang mga naka plantilla o may permanenteng posisyon na wala man lamang hearing,” dagdag pa ni Acosta.

Labintatlong milyong mahihirap na kababayan natin ang natutulungan ng PAO taun-taon, at marami kaming naipanalong kaso,” ani pa niya.

Sinabi naman ni Dr. Erwin Erfe, chief ng PAO-Forensic na hindi lang forensic services ang ibinibigay nila sa taong bayan kundi nagsasagawa rin sila ng medical mission sa mga kababayan sa tulong ng ilang supporters o donors ng PAO.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight