Home>News>Nation>Babae binoga sa mata, patay

Babae binoga sa mata, patay

ISANG tama ng bala sa mata ang tumapos sa buhay ng isang babae matapos barilin sa loob mismo ng kaniyang tahanan sa lungsod Quezon nitong Lunes ng umaga.

Agad na nasawi ang biktimang si Yolanda Cariaga, 47, dahil sa isang tama ng baril sa kanang mata.

Ayon sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente bandang 1:40 a.m. ng Enero 18, 2021 sa loob ng bahay ng biktima sa 15 T. Sora Street, San Roque-2, Barangay Pag-asa, Quezon City.

Ayon sa dalawang testigo na kasama ng biktima sa loob ng kaniyang tirahan, natutulog na umano sila katabi ang biktima ng bigla silang magising dahil sa isang putok ng baril.

Isang lalaki umano na may hawak na baril ang nakita nilang humahangos palabas ng silid.

Nakita nilang duguan ang biktima at wala ng buhay.

Agad na humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay ang mga testigo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.

Publication Source :    People's Tonight