Home>News>Nation>Babae nagpa-home service, minanyak ng massage therapist

Babae nagpa-home service, minanyak ng massage therapist

SA piitan nasadlak ang 42-anyos na massage therapist matapos pagnasaan ang 22-anyos na babaeng nagpa-home service sa kanya Biyernes ng gabi sa Makati City.

Kaagad na humingi ng tulong sa mga miyembro ng Bantay-Bayan ang dalagang consultant na itinago sa pangalang “Lea” na nagresulta sa pagkakadakip kay Richard Puriran, residente ng Blk 2 Lot 5 Asamba Compound, Bgy. Toro, Sitio Mendez, Baesa, Quezon city, matapos pagnasaan ng suspek ang maselang bahagi ng katawan ng dalaga.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Makati Police Women and Children Protection Deskt (WCPD) na nagtungo sa bahay ni Lea sa 3480 Florida St., Bgy. Palanan, ang suspek dakong alas-8:30 p.m. matapos siyang tawagan ng biktima upang magpamasahe.

Gayunman, habang nasa kalagitnaan na ng ginagawang pagmamasahe ang suspek, dumampi na ang kamay nito sa maselang parte ng katawan ng biktima at bumulong pa na hawakan din ni Lea ang kanyang ari.

Dito na bumalikwas ng bangon si Lea at kaagad na humingi ng tulong kina Haresh Mirchandani at Benjie Espartero, kapuwa Bantay-Bayan ng Bgy.Palanan na nagroronda sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa manyakis na massage therapist.

Publication Source :    People's Tonight