Home>News>Nation>Balik-biyahe ng Angkas ipinagbunyi ng PCMA

Balik-biyahe ng Angkas ipinagbunyi ng PCMA

IKINATUWA ng commuter at transport groups ang pagbabalik biyahe ng motorcycle app Angkas, ayon sa recommendation ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon sa Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA), magandang indication ito na marami ng masasakyan ang mga commuters upang hindi na mahirapan sa pagsakay sa mga public utility vehicles.

Kasabay nito, nanawagan ang grupo sa gobyerno at sa Angkas management na striktong ipatupad ang safety health protocols, ayon na rin sa ipinatutupad ng Department of Health (DOH) upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at maingatsn ang kaligtasan ng motorcycle rider at pasahero nito.

Pinatutukan din ng PCMA sa IATF at Angkas ang system ng contact tracing upang sakaling magkaroon ng mga kaso na may positive sa virus mabilis na ma-trace ang biktima rider o pasahero.

Ayon sa grupo, sa bahagi nila bilang mga commuter, mahigpit ang tagubilin nito sa kanilang mga officers at members na huwag nang bumiyahe o umalis ng bahay kung meron itong nararamdaman sa katawan at agad na magpakunsulta sa doctor para maingatan ang kalusugan.

Kaugnay nito, pinatutukan din ng grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamasahe upang tiyakin na walang fare increase na mangyayari, gayun din ang mga insidente ng cancelled trips ng wala namang sapat na dahilan.

Nanawagan din ang grupo na payagan na ring magbalik pasada ang iba pang mga public transport app upang mapagsilbihan ang taong bayan.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight