Home>News>Nation>Bill sa ban sa ‘cross ownership’ sa ‘power sector’ ikakasa

Bill sa ban sa ‘cross ownership’ sa ‘power sector’ ikakasa

PINAG-AARALAN na ni House Deputy Minority leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang paghahain ng ‘bill’ para sa pagba-’ban’ ng ‘cross-ownership’ sa pagitan ng distribution utilities (DUs) at power generation companies (gencos), upang pigilan ang ‘anti-consumer self-dealing transactions’ sa mga kumpanyang ito.

“This amendment to ban cross-ownership between DUs and gencos is now becoming a must in the meantime that the Electric Power Induatry Reform Act (EPIRA) is not yet fully repealed,” ayon kay Rep. Zarate.

Ito ang ginawang pahayag ng kongresista makaraang utusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na ipa-refund ang P1.4 bilyong sobra ng koleksyon sa transmission charge, systems loss charge, lifeline subsidy at senior citizen subsidy.

Subalit aniya, ang “victory for consumers is a phyrric one” nang payagan din ng ERC ang pagbawi sa mga konsyumer ng halagang P2.38 bilyon na sinasabing ‘undercollected generation charges’ ng Meralco.

“These types of bigay-bawi schemes are what we are trying to prevent especially since we are still investigating the billions of overcharging of Meralco in the past years. Sa halip na makaluwag ang consumers ay lalo pang masisingil ng mahal dahil kalakhan naman ng generation companies ngayon ay may parte o buong pag-aari ng Meralco at iba pang DUs,” anang Deputy Minority leader.

Ang akyson ng Bayan Muna dahil sa patuloy na pagtatangka ng Meralco upang ipasadya ang paparating na ‘bidding’ ng ‘power supply’ pabor sa kanilang kontrobersyal na subsidiary Atimonan One Energy Inc., ang genco na nagtatayo ng 1,200-megawatt power plant sa lalawigan ng Quezon.

“Only a ban on cross ownership can now save Meralco customers from higher rates that Atimonan One will submit – and Meralco will surely accept — during the Meralco bidding in January 2021,” dagdag pa ng Davao-based solon.

Noong 2016, tinangka ng Meralco na i-award sa Atimonan One ang 1,200-MW power supply agreement (PSA) na nadiskubre sa congressional inquiry na naglalaman ng mga ‘term’ na mabigat o pabigat sa mga konsyumer.

Ang PSA, kasama ng anim na kontrobersyal na ‘supply contracts’ kung saan ini-award ng Meralco sa affiliated gencos, ay ipinawalang bisa ng Supreme Court noong May 2019 dahil sa pagbalewala nito sa regulasyon ng CSP.

Publication Source :    People's Tonight