Home>News>Nation>Bong Go sa community pantry initiatives: Pagtulong ng ilan, huwag kulayan

Bong Go sa community pantry initiatives: Pagtulong ng ilan, huwag kulayan

Bong Go

PABOR at saludo si Senator Christopher “Bong” Go sa ginagawang inisyatibong makatulong ng ilan nating mga kababayan sa kapwa Filipino sa pamamagitan ng inilalatag na community pantry kasabay ng panawagan sa iilan din na huwag itong “kulayan“.

Sinabi ni Go na ang mga inisyatibo, tulad ng community pantry, ay patunay na nananatiling buhay ang diwa ng bayanihan sa kabila ng sunud-sunod na mga pagsubok na dumadating sa bansa.

Anang senador, tama lang na magbigay ng tulong, ayon sa kakayanan, ‘yung mga may sobra.

Kaysa masayang o mag-expire, mabuti nang mapakinabangan ito ng mga mas nangangailangan,” ani Go.

Ngunit ayon sa mambabatas, wala dapat kulay, walang pinipili at walang pulitika dapat ang pagtulong.

Welcome po lahat ‘yan. Kahit anumang kulay — pula, puti, dilaw, asul — lahat ‘yan ay may parte sa bayanihan. Huwag nating haluan ng kulay ang mga inisyatibo ng iilan na nais tumulong sa kapwa nilang Pilipino. Iisa lang naman ang hangarin nating lahat at iyan ay ang maiahon ang buong bansa mula sa krisis na ito,” ani Go.

Tulad aniya ng palagi niyang sinasabi, kung anumang kabutihan ang pwedeng gawin para sa kapwa ay gawin na natin ngayon.

Hindi aniya ito panahon para magsisihan, magsiraan, o maglamangan pa bagkus ay panahon ito ng pagtutulungan, pagmamalasakit, at pakikiisa sa bayanihan.

Let us continue to promote a culture of inclusivity and empower our people to participate in our collective efforts to overcome this crisis. Ang importante dito ay huwag nating pahirapan ‘yung mga nais tumulong dahil pare-pareho naman tayong gusto lang ay makapagserbisyo sa ating kapwa Pilipino,” sabi ng senador.

Idinagdag ni Go na ang bawat isa sa atin ay may ginagampanang papel sa pagsugpo sa COVID-19.

Ginagawa, ani Go, ng gobyerno ang lahat upang mapagaan ang hirap na pinapasan ng ating mga kababayan at tandaan din na ang giyera laban sa pandemya ay hindi laban ng gobyerno lamang.

Laban ito ng buong sambayanang Pilipino at ng buong mundo,” pahabol ni Go.

—————

Bong Go umayuda sa mga nasunugan sa Bacoor City

ILANG araw matapos ang sunog, agad rumesponde ang grupo ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga pamilyang nasunugan at nawalan ng tirahan sa Bacoor City.

Sa Sitio Tibag sa Barangay Panapaan 3, namahagi ang tanggapan ni Sen. Go ng tulong sa tinatayang 2,700 residente o 326 pamilyang nasunugan sa nasabing lugar.

Ako’y nagpapasalamat kay Senator Bong Go at Presidente Rodrigo Duterte. Napakaganda ng kanilang gawain na nag-abot sila ng tulong sa amin. Sir Bong, Bisaya rin ako, maraming salamat dahil kahit wala kayo dito, gina-guide pa rin kayo ng Panginoon para magbigay ng tulong sa aming mga mahihirap,” ang sabi ni Perlita Oliveros, 40, na isa sa nasunugan.

Bilang single mother, hindi ko alam kung paano kami makaka-recover. Sana makarating ito sa inyo at matulungan ninyo ako para makapagtapos ng pag-aaral ang aking mga anak. Hindi ko sila kayang suportahan lalo na ngayon,” patuloy ni Perlita.

Bilang bahagi rin ng pagtugon ng national government, ang National Housing Authority ay nagsagawa ng assessment para sa ibibigay na housing assistance sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Nagbigay naman ang Department of Trade and Industry livelihood assistance sa mga residenteng nais makapagsimula ng maliit na negosyo.

Namahagi naman ang Department of Health ng medicine packs at vitamins habang hygiene kits naman ang ipinamigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nagbigay rin ng karagdagang financial assistance ang DSWD.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Go ang mga walang pambayad sa pagpapaospital at medical expenses na i-avail ang serbisyo ng Malasakit Center sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City.

Tiniyak ni Go na patuloy niyang tutuparin ang kanyang pangako na tutulong sa mga nahaharap at lubog sa krisis.

Mga kababayan, kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, basta nasunugan, nabahaan o tinamaan kayo ng lindol, pupuntahan ko kayo para magbigay ng konting tulong, pakinggan ang inyong mga hinaing at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati. Konting tiis lang po at huwag kayong mag-alala. Kung may maitutulong pa kami, magsabi lang kayo at tutulungan namin kayo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa abot ng aming makakaya,” paniniyak ng senador.