Home>News>Nation>Bong Go: Walang tulog ang serbisyo

Bong Go: Walang tulog ang serbisyo

Bong Go

PINATUNAYANG hindi natutulog ang kanyang pagseserbisyo sa kapwa, patuloy si Senator Christopher “Bong” Go sa pamamahagi ng tulong para mapagaan kahit papaano ang buhay ng mga kababayan nating nahaharap sa krisis.

Nitong November 29 at 30, ang kanyang outreach team ay nagtungo sa Santa Maria, San Pablo, Ilagan Santiago City, Isabela upang abutan ng iba’t ibang ayuda ang mga biktima ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni Go na patuloy sila ni Pangulong Duterte na umiikot sa mga tinamaan ng baha dahil para sa kanila ay walang tulog dapat ang serbisyo.

Wala akong piling araw para puntahan at makahalubilo ang ating mga kababayan para magbigay ng tulong o solusyon sa mga problema at mag-iwan ng kaunting ngiti sa panahon ng inyong pagdadalamhati,” aniya.