Home>News>Nation>Boy 2 Quizon naaksidente, kotse wasak!

Boy 2 Quizon naaksidente, kotse wasak!

Boy Quizon Accident
Makikita mula sa screen grab mula sa Facebook ang nayuping kotse ni Boy 2 Quizon (inset).

Boy Quizon accidentBAHAGYANG nasugatan ang aktor na si Boy 2 Quizon matapos banggain ang kanyang sasakyan ng isang van sa Quezon City Biyernes ng madaling araw.

Dahil sa insidente ay nawasak ang likurang bahagi ng kotse ng nasabing aktor.

Ayon kay Quizon, apo ng yumaong aktor na si Dolphy, galing siya sa bahay ng isang kamag- anak at kasalukuyang tinatahak ang Timog Avenue, 3 a.m. nang mangyari ang insidente.

Pa-U-turn na sya sa may bahagi ng Quezon Avenue kanto ng Banawe Avenue nang mabangga siya ng isang puting van.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa QC Traffic Sector 1, nakatulog umano ang babaeng driver ng van kaya nabangga nito ang kotse ng aktor.

Pasa lamang sa braso at binti ang tinamo ng aktor habang ligtas naman ang kasama nitong babae.

Publication Source :    People's Tonight