Home>News>Nation>Cayetano: Kamara tutok sa budget, pro-Velasco QC session fake

Cayetano: Kamara tutok sa budget, pro-Velasco QC session fake

Alan Peter Cayetano
Alan Peter Cayetano

HINDI napalitan at hindi dalawa ang House Speaker dahil fake session ang idinaos na pagtitipon ng mga pro-Velasco supporters sa Quezon City na malinaw na labag sa Konstitusyon at mapanganib na precedent.

Ayon kay Cayetano, tuloy ang pagdaraos ng special session bukas na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa gagawing sesyon ay ang pagpasa ng 2021 national budget ang syang tutukan ng mga mambabatas at hindi ang isyu ng Speakership.

Malinaw umano ang marching orders ni Pangulong Duterte na isaayos ang budget at wala itong pakialam sa usapin ng Speakership kaya naman ito ang syang gagawin ng Kamara sa sesyon bukas, October 13 hanggang October 16.

‘The House of Representatives will hold a proper, orderly session tomorrow. The budget bill can be passed in 2 or 3 days provided the House majority supports it”paliwanag ni Cayetano.

Binantaan din nito ang kampo ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco na kung igigiit na sya na ang bagong House Speaker resulta ng nangyaring fake session sa Celebrity Sports Plaza ay hindi nya ito hahayaan.

“I will not allow you to burn this house down. If you try to burn this house down, you will get one hell of a fight. Holding a “fake session” sets a dangerous precedent.Don’t throw the Constitution away. Don’t throw the Constitution into the waste basket.”pahayag ni Cayetano.

Nanindigan ang House Speaker na hindi lehitimo at hindi kikilalanin ng Kamara ang sesyon na idinaos ng mga pro-Velasco congressman dahil maituturing lamang ito na isang social club gathering.

“Sobrang kalokohan ‘yung ginawa nila.You know in your hearts, it’s simply wrong”pahayag ni Cayetano kung saan ang ginawa umano ng kampo ni Velasco ay malinaw na banana republic at pambababoy sa Konstitusyon.

“Congress is not a noontime show. Congress is not for entertainment. Congress is not a circus. It is the House of the people.This is very disturbing precedent. Sabi nila basta may quorum. Basta may quorum, they can meet any day and anywhere and do whatever they want? Kung valid yan, banana republic na tayo”giit pa nito.

Iginiit ni Cayetano na nilabag ni kampo ni Velasco ang House Rules nang magtipon tipon sa kabila ng health and safety protocols na itinatakda ng Inter Agency Task Force(IATF).

Nagbanta din ito kay Velasco at sa kampo nito na gagawa ng kaguluhan sa budget deliberations na hindi niya ito papayagan.

Ang sesyon umano sa labas ng Batasan Complex ay dapat aprunado ng resolusyon gaya nang nangyari sa special session sa Batangas noong Enero sa kasagdagan ng pagputol ng Bulkang Taal.

“so yung magtetext lang isang barkada, gawin natin itom gawin natin yan. So ganito na ba ang legislation ngayon? Its silly”dagdga pa ni Cayetano.

Dahil fake session ang idinaos ng kampo ni Velasco sa Quezon City pinatutsadahan ni Cayetano ang mga ito na bukas ang Kamara para sa mga ito para dumalo sa opisyal at lehitimong sesyon bukas kung saan tatalakayin ang budget sa Batasan Complex.

Samantala, tiniyak ng Malacanang na hindi ito makikialam sa Speakership sa Kamara at kung ano man ang gagawin ng mga mambabatas pagkatapos na maipasa ang 2021 budget.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi isyu sa Pangulo kung sino ang mailuluklok na House Speaker at wala na rin sa Pangulo ana usapin ng term sharing agreement sa pagitan ni Cayetano at Velasco.

“Yung mga bagay bagay na yan, wala nay an. Wala na yan. I mean, bahala na sila dyan. Wala na syang pakialam. Wala na siyang paikialam kung anong gagawin ng mga mambabatas matapos maipasa ang 2021 budget. Walang pinapanigan. To each his own. May the best man win for the speakership – after the budget passes in the House,” pagtatapos pa ni Roque.

Sa oras na matapos ang deliberasyon ng budget ay inaasahan naman na magkakaroon ng paligsahan sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Malinaw ang pahayag ng mga kaalyado ni Cayetano nan ang magbitiw ito bilang House Speaker noong Setyembre 30 at hindi pinayagan ng mga mambabatas ay malinaw na naging “moot and academic” na din ang term sharing agreement nito sa pagitan nila ni Velasco.