Home>News>Nation>Ces Drilon bagong TOWNS president

Ces Drilon bagong TOWNS president

ANG batikang mamamahayag na si Ces Oreña-Drilon ang bagong presidente ng TOWNS Foundation (The Outstanding Women in the Nation’s Service.)

Ang TOWNS ay asosasyon ng higit 160 na kababaihan na natatangi sa kani-kanilang karera na sumisikap, sa pribadong sektor man o sa pamahalaan para mapabuti ang sitwasyon ng bansa sa nakalipas na 50 taon.

Kabilang sa adhikain ng TOWNS Foundation ang pagkilala sa mga women achievers at ang pagkumpuni ng mga talento at abilidad ng mga kababaihan tungo sa pag-unlad ng Pilipinas.

Nang tumama ang COVID-19 sa bansa, ang TOWNS ay nakipagsanib pwersa sa UP Medical Foundation, Inc. (UPMFI) upang kumalap ng pondo at mamigay ng PPE sa mga ospital sa buong bansa mula Batanes hanggang Jolo.

Umabot sa higit P57 million ang halaga ng PPE na naipamudmod ng TOWNS at patuloy pa din ang proyekto hanggang ngayon para sa mga frontliners.

Kabilang sa mga dating presidente ng TOWNS ay sina Olivia Ferry na naging ZONTA International president, dating PEZA administrator Lilia De Lima, dating SSS Administrator Corazon dela Paz-Bernardo, negosyante na si Evelyn Singson, dating DOH Secretary Esperanza Cabral at ang mga yumao na sina Senator Leticia Shahani, SC Justice Flerida Ruth Romero at Dr. Perla Santos-Ocampo.

Ang mga bagong officers ng TOWNS Foundations ay sina Deanie Lyn Ocampo, vice president, Darlene Berberabe, secretary, Lorna Kapunan, corporate secretary, Evelyn Singson, treasurer.

Ayon kay Drilon, “malaking pagkakataon ang bagong posisyon para makatulong sa mga kababaihan at higit sa lahat sa bayan.