Home>News>Nation>Commuter group full support sa balik-byahe ng Angkas

Commuter group full support sa balik-byahe ng Angkas

FULL support ang commuter group sa balik operation ng motorcycle app Angkas at iba pang app.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), 100% supported nila ang balik-biyahe ng Angkas at wala silang dahilan para hadlangan ito.

Pansamantalang tinigil ang operations ng mga motorcycles app dahil sa COVID-19.

Pero sa huling recommendation ng Inter-Agency Taal Force resolution no. 77, inaasahan ang balik pasada ng mga motorcycle apps.

Ayon kay Inton, naniniwala sila na panahon na upang ibalik ang operation ng Angkas dahil matagal ng walang kita ang mga drivers nito dahil sa pandemic.

Ayon din sa report ng IATF, walang insidente ng COVID-19 transmission ng mga volunteers ng Angkas sa paghahatid sa nga frontliners.

Nauna rito, nagpaabot rin ng pasasalamat ang mga riders ng Angkas sa decision ng IATF na magbalik pasada na ang mga motorcycles apps.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight