Home>News>Nation>Consolidation hiniling buwagin

Consolidation hiniling buwagin

PINABUBUWAG na ng commuter at transport group ang consolidation ng Public Utility Vehicle (PUV) lalo na ang sector ng jeepney.

Sa weekly Broadcaster Forum via teleconferencing tuwirang tinawag pansin ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB) na tuluyan ng buwagin ang program na ito.

Sa paliwanag ni Inton sa kanilang karanasan at masusing pag-aaral hindi nakatulong ang consolidation sa mga commuters ang nagyari pa ay lalong naging pahirap sa mga commuters.

Paliwanag ni Inton na ang consolidation ay ang pinagsama-samang mga franchise sa isang corporation.

Ayon pa kay Inton sa ngayon literal na nararanasan ng mga commuters ang shortages ng PUVs lalo na ang jeepneys.

Imbes na dumami ang PUVs kumonti at mas higit na nahirapan ang mga commuters dahil kulang na kulang nga ang mga PUVs sa halos lahat ng lugar,” saad ni Inton.

Ayon pa kay Inton, napakaraming dating mga OFW na nag-invest sa pagbili ng mga single unit PUVs ang nanganganib mawalan ng franchise at pagkakakitaan dahil sa consolidation.

Nanawagan si Inton sa DOTr at LTFRB na pag-aralan at pag-isiping mabuti ang consolidation at kung posible ay huwag ng ituloy ito.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight