Home>News>Nation>Consumers pinuri no disconnecion order ng ERC

Consumers pinuri no disconnecion order ng ERC

PINURI kahapon ng Meralco consumers, sa pangunguna ng Power for People Coalition (P4P), ang naging kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ipagpaliban muna ang ‘disconnection’ ng mga ‘non-paying customers’ hanggang sa katapusan ng taong 2020.

Nitong mga nakaraang mga araw, pinangunahan ng P4P ang ‘mass mobilization’ ng Meralco consumers sa mga tanggapan ng distribution utility sa metropolis at mga karatig na lalawigan.

We are grateful that clamor of Meralco’s long-suffering residential consumers delivered results in the form of Senator Risa Hontiveros’ question and the ERC’s answer. Once ERC delivers on its promise, it would give breathing space to all Filipinos who have to worry about their electric bills even as they battle the pandemic, online schooling for their children, and possible loss of their livelihoods,” pahayag ni Gerry Arances, P4P Convenor.

Ang P4P ay kasalukuyan ding nagsasagawa ng online petition campaign na may temang #TigilBayad, kung saan hinihiling ang pagkakaroon ng moratorium sa pagbabayad ng bills na inisyu sa panahon ng enhanced community quarantine(ECQ) , flexible payment scheme, at ang pagsasauli ng mga nakabinbing refunds, reporma sa Meralco billing practices, at independent audit ng mga distribution utility.

Nanawagan ang energy consumer advocates sa pagsasauli ng ₱28.5 billion in bill at meter deposits mula sa Meralco at agad na pagbabalik din ng ₱19 billion na unreturned funds mula 2003 refund order ng Supreme Court.