Home>News>Nation>Dagdag PUVs, ruta sa Metro

Dagdag PUVs, ruta sa Metro

NAGDAGDAG pa ng 507 traditional public utility units ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyahe sa Metro Manila ngayon.

Sa latest na Memorandum Circular muling nagbukas ng karagdagang apat na routes ang LTFRB para sa traditional jeepney units .

Ayon sa LTFRB, kabilang sa mga rutang ito ang Parang – Recto, Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.,Recto – SSS Village via Aurora Blvd. at Espana Blvd at Libertad – Pinagbarilan

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity. Dapat nakarehistro din sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa Memo Circular.

Sa ngayon may 336 na ang bilang ng mga ruta sa loob at labas ng Metro Manila ang binuksan para sa traditional PUJ at 29,227 units ang pinayagang makabiyahe. Habang 48 na ruta naman sa mga modernized PUJ at 865 units ang pinayagang bumiyahe.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight