Home>News>Nation>Dalagita, 17, hinalay ni kuya!

Dalagita, 17, hinalay ni kuya!

MASIDHING pagnanasa ang nagtulak sa isang security guard na halayin umano ang menor-de-edad na kapatid na babae sa loob mismo ng kanilang tirahan sa Taguig City.

Nadakip ng mga tauhan ng Taguig Police Sub-Station 2 ang 28-anyos na binata makaraang magsumbong ang 17-anyos na biktimang itinago lamang sa alyas “Evelyn” sa 26-anyos niyang kapatid na lalaki na nagsama sa kanya sa pulisya upang ireklamo ang suspect.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Taguig Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na naghuhugas ng mga baso sa kanilang kusina si Evelyn dakong alas-12 ng hatinggabi kahapon, araw ng Linggo, nang lapitan ng nakatatandang kapatid na lalaki at biglang dinakma ang maseselang parte ng katawan ng dalagita.

Nagtangka pang magpumiglas ng biktima subalit higit na nangibabaw ang lakas ng kanyang kuya hanggang tuluyang mailugso ang kanyang puri.

Alas-5:30 ng madaling araw nang dakpin ng pulisya ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8353 o ang Anti-Rape Law sa piskalya ng Taguig.

Publication Source :    People's Tonight