Home>News>Nation>Escudero, Villanueva patuloy na nangungunang 2022 senatorial bets

Escudero, Villanueva patuloy na nangungunang 2022 senatorial bets

MULING nanguna sina dating Senador at Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero at Senador Joel Villanueva batay sa naging resulta ng survey na ginawa ng WR Numero sa pagitan ng Disyembre 2 hanggang 7.

Sa naturang survey 73.6 % ng kabuuang 5000 na respondents ang pumili Escudero para manguna sa senatorial election.

Si Escudero ay natapos ang kanyang termino noong 2019. At sa nakalipas na buwan sa pareho ding survey ay nanguna din si Escudero na kung saan ay 72.3 % naman ang namili sa kanila para iluklok sa 12 senador.

Si Villanueva na pumangalawa sa survey ay nakakuha nhg 57.4% na suporta sa kabuuang responsent na kung saan naman ay nakaungos dito mula sa ika-apat na puwesto noong nakaraang buwan na kung saan nakakuha siya ng 52.1%.

Si Villanueva ay nahalal sa senado matapos maging tanyag bilang TESDAMAN at pagkatapos niyang pamunuan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

At ng mahalal na senador ay kanyang binigyang pansin ang pagsusulong ng Tech-Voc Education at ang kapakananan ng mga manggagawa lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso ng kanilang mga employer.

Magugunitang noong 2016 election ay number 2 senator siya ng manalo at maupo bilang senador at nakakuha ng botong 18,459,222.

Sumunod kay Villanueva na tubong Bulakan ay sina Senator Sherwin Gatchalian (3rd, 55.4%) at Senate Majority Leader Miguel Zubiri (4th, 55.2%).

At kasama din sa 12 senators ay sina Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez (5th, 54.8%), Batangas Gov. Vilma Santos-Recto (6th, 50.2%), Anak-Kalusugan party list Rep. Michael Defensor (7th, 49.2%), Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (8th, 48.5%), Dr. Willie Ong (9th, 46.7%), Senator Risa Hontiveros (10th, 44.5%), Antique Rep. Loren Legarda (11th, 40.9%), and Senator Francis Pangilinan (12th, 36.7%).

Aminado ang survey na patuloy pa ding nangunguna ang mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantalang ang iba naman tulad Presidential spokesperson Harry Roque placed 14th (35.8%), while Communications Secretary Martin Andanar dropped to 20th (30.7%), followed by Public Works Secretary Mark Villar (21st, 30.3%), Information and Communications Technology Secretary Gringo Honasan (23rd, 28.3%), Presidential chief legal counsel Salvador Panelo (26th, 20%), Buhay party-list Rep. Lito Atienza (13th, 36.1%), Cavite Gov. Jonvic Remulla (15th, 35.7%), actress Angel Locsin (16th, 35.6%), Senator Richard Gordon (17th, 33.9%), actor Dingdong Dantes (18th, 33.6%), and former Senator Bam Aquino (19th, 31.2%).

Publication Source :    People's Tonight