Home>News>Nation>Ex-INC member nahatulan

Ex-INC member nahatulan

ANG tiniwalag na dating kasapi ng Iglesia Ni Cristo na si Rovic Canono, na tumakas patungong Canada habang nahaharap sa serye ng mga kasong kriminal sa Pilipinas, kamakailan ay nahatulan ng Quezon City court kaugnay ng paglabag sa violence against women and children (VAWC) sa ilalim ng RA 9262 at pinatawan ng parusang apat na taong pagkakakulong.

Sa 13-pahinang desisyon na inilabas noong nakaraang buwan, si Canono ay hinatulang nagkasala ni RTC QC Judge Jacqueline Martin-Balictar nang walang makatuwirang pagdududa sa maraming beses nitong physical and psychological na pang-aabuso sa kanyang asawa, isang medical doctor, at kanilang menor de edad na anak na babae.

Ang verbal at physical na pang-aabuso ni Canono, ayon sa desisyon, ay nagsimula sa mismong araw ng kasal ng mag-asawa, pagkatapos ng reception ceremony nang tawagin niya ang kanyang asawa na “Pangit ka, laki ng ilong mo!” at paulit-ulit siyang sinisigawan na mataba at “tae, walang kuwenta.”

Ang korte ay gumawa ng mahabang listahan ng instances of violence, tulad ng pagsampal ni Canono sa kanyang asawa nang malakas sa loob ng kanilang sasakyan habang siya ay limang buwan na buntis sa kanilang anak, sumisigaw ng “gusto mo patayin ko yang anak mo!” habang pauwi na galing sa checkup ng ospital.

Ang anak na babae ng mag-asawa ay nasampal at bumagsak sa lupa sa maraming pagkakataon dahil madalas sa kanyang naiinis si Canono, ayon sa hiniwalayan nyang asawa at mga testigo na nagpatotoo sa paglilitis ng korte.

Ang mararahas na kilos ni Canono ay umabot pa sa pamilya ng asawa, nabanggit sa desisyon, na nangyari ang insidente nang siya at isang kaibigang lalaki ay binugbog ang kanyang biyenan, na isang doktor din, iniwang nakahandusay sa sahig sa labas ng condominium ng huli, at pinagtatawanan ang biktima bago tuluyang umalis.

Bukod sa physical and verbal abuse, si Canono ay may kinakasama ring babae na nakatira sa bahay ng kanyang mga magulang at ipinakilala sa lahat ng dating kasapi ng INC. bilang “kasintahan.

Ang nahatulan ay tumakas sa bansa bago pa man magsimula ang pagdinig sa korte, na nag-udyok sa korte na magsagawa ng trial in absentia.

Si Canono ay nauna ng napatunayang nagkasala ng concubinage noong 2019 sa magkakahiwalay na kaso na kinasasangkutan ng ibang kabit o kalaguyo, na idineklara ng trial court na siya’y may pananagutan sa “engaging in sexual intercourse under scandalous circumstances” at binanggit ang testimonya ng isang kasambahay na umaming magkasama ang dalawa sa isang maliit na studio-type condominium unit at hinahayaan siyang “makita ang mga bagay na kanilang ginagawa.

Nahaharap pa rin ang pugante sa ilang mga aktibong kaso ng libel sa iba`t ibang mga local jurisdictions sa Pilipinas.

Si Canono ay naging tanyag noong 2015 nang siya at ang kapwa itiniwalag na miyembro ng INC na si Lowell Menorca ay naglabas ng diumano’y irregular activities ng homegrown Filipino church.

Naakusahan din si Menorca ng kasong libelo kabilang ang isang babaeng nagngangalan na Aedtnavye Lazo sa kinasasangkutan nitong pangangalunya. Ang magkasabwat ay hinuli ng mga awtoridad sa Cebu noong nakaraang taon dahil sa pagkabigo nitong humarap sa korte.

Pareho silang naglagak ng piyansa habang nagpapatuloy ng mga kasong kriminal at palihim na tumakas papuntang Canada, si Menorca ay dumating noong 2017 at sumunod si Canono pagkatapos ng pangungubinsi ni Menorca.

Sinabi ng asawa ni Canono na pagkatapos ng promulgasyon ng hatol sa VAWC case ay natutuwa siya na nakamit ang hustisya “para sa kaniya at sa kaniyang naabuso at emotionally-scarred na anak” ngunit pinagdiinan na ang mapang-abuso at taksil na asawa ay “hindi tunay na lalaki na kayang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawang krimen.”

Publication Source :    People's Tonight