Home>News>Nation>Fil-Am nilaslas ang mukha sa NY subway

Fil-Am nilaslas ang mukha sa NY subway

Noel Quintana
Ang biktimang si Noel Quintana.
Source: Facebook

ISANG 61-anyos na lalaking Filipino-American national ang nilaslas ang mukha ng kapwa pasahero na pinaniniwalaang may diperencya sa pag-iisip Miyerkules noong isang linggo sa loob ng isang subway train sa New York, Estados Unidos.

Ayon sa mga media reports, ang biktima ay nakilalang si Noel Quintana, administrative assistant.

Sinabi sa mga report na papasok ng trabaho si Quintana at nakasakay sa L train papuntang Manhatssn nang mapuna niyang sinisipa ng suspect ang kanyang bag.

Kinumpronta ni Quintana ang suspect ngunit bumwelta ito at nilaslas ang kanyang mukha gamit ang box cutter.

Ayon sa isang media report, inakala ni Quintana na sinuntok lamang siya. Ngunit napuna niya ang reaction ng ibang pasahero at hinawakan niya ang kanyang mukha at doon nya nalamang nilaslas sya mula tenga hanggang tengs.

Ang suspek ay nakunan sa CCTV na bumaba sa subway train.

Si Quintana ay humingi ng tulong sa station attendant na kaagad tumawag sa 911.

I was scared because I thought I was gonna die and nobody helped me,” sabi ni Quintana sa isang interview.

Sinabi sa mga report na kinailangan ang halos na 100 tahi upang ayusin ang nawakwak na mukha ni Quintana.

Napag-alamang sinuntok din si Quintana habang bumababa sa subway train sa Manhattan station noong isang taon.

Pinaghahahanap na ng pulisya ang suspek. Tonight media monitoring team