Gatchalian, nanawagan ng ‘transparent bidding’ sa enerhiya

November 12, 2019

HINIMOK  ni Senator Sherwin T. Gatchalian,  chairman ng Senate Committee on Energy ang pamunuan ng Department of Energy (DOE) na magsagawa ng  ‘open and transparent bidding’  ng  ‘distribution utilities’  sa kinakailangang seguridad sa enerhiya sa bansa.

Ayon kay Gatchalian,  ang kaniyang panawagan para sa  ‘open and transparent bidding’ sa “Meralco’s competitive selection process’ ay base sa polisiya sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), upang matiyak ang  pagkakaroon ng “transparent and reasonable prices of electricity  in a regime of free and fair competition and full public accountability.’

“In adherence to the prescribed spirit of free and fair competition, both existing and new power plants should be allowed to join Meralco’s upcoming bidding for a 1,200-megawatt power supply agreement (PSA),” paliwanag ng senador.

Aniya, ang isinusulong na panukala ni DOE Secretary Alfonso G. Cusi na hatiin ang ‘Meralco supply requirement’  sa bidding sa maliliit na bahagi at payagan ang ‘stacking of bids’  ay maihahalintulad din na paunlarin  ang minimithing paligsahan sa pagtatayo na pinag-isipan sa EPIRA.

Ang kautusan umano ni Cusi kapag  ginamit sa ‘competitive selection processes’ (CSP), ay magkakaroon ng oportunidad ang maliliit na power generation companies na makapag- bid at manalo ng bahagi ng ‘large supply requirements.’  

Kung walang ‘stacking’, isang bidder at presyo lamang  para sa kabuuang kapasidad ang mananalo,  at maiitsa-puwera naa ang maliliit na kompanya ng  renewable energy (RE) na makapagbibigay ng mababa o abot-kayang halaga ng elektrisidad na hindi magbabago habambuhay sa ‘supply agreement.’  

Magugunitang nitong nakaraang buwan lang ay nagpalabas ng desisyon si Senior Justice Antonio Carpio, at tinanggihan ang PSAs  na nilagdaan noong 2016 ng isang giant power distributor at kanilang subsidiaries o mga kaakibat na power generation companies.

Ito ay matapos na ireklamo ng consumer groups na ang PSAs ay overpriced at hindi dumaan sa kaukulang CSP kaya pinatigil ng SC ang konstruksiyon ng pitong coal plants na may kabuuang kapasidad na 3,551 megawatts sa Subic, Bataan, La Union, Batangas, Quezon at Ilo¬ilo.

Ikinatuwa ito ni Gatchalian, at sinabing ang naging desisyon ng SC ay isang tagumpay para sa consumers. “Ang SC decision na nag-uutos ng bidding sa lahat ng power supply agreements na isinumite  ng distribution utilities (DUs) mula Hunyo 30, 2015 ay isang tagumpay sa power consumers na nawalan na ng tiwala sa ‘sweetheart deals’ sa pagitan ng DUs at power ge¬nerating companies.”

Anang senador, ang nasabing desisyon ay malaking tulong para sa consumer  protection at isa umanong magandang sorpresa para sa environmental groups at mga komunidad na maigting na nangangampanya  para bawasan ang pagdepende sa ‘dirty ener¬gy’

Si Pope Francis sa  Laudato Si,  President Duterte sa kaniyang huling SONA at  statements sa ASEAN Summit, kabilang ang Special Report sa Global Warming na inihanda ng United Nations Intergovernmental Panel on Climate Change ay pawing nagpahayag ng ‘urgent need to preserve our planet.’  

Mahigit naman sa 11,000 scientists ang nagbabala sa buong mundo na malaki ang posibilidad na maharap ang mamamayan  sa “untold suffering due to the climate crisis” maliban nna lang kung magkakaroon ng ‘major transformations’ sa global society.