Home>News>Nation>Go: COVID-19 vaccine tiyaking ligtas, epektibo

Go: COVID-19 vaccine tiyaking ligtas, epektibo

Bong Go

IPINATITIYAK ni Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mga kinauukulan na ligtas at epektibo ang COVID-19 vaccine na gagamitin sa bansa, kasabay ng pagpapaalala na hindi ito dapat madaliin.

Ang importante ay maging safe po ito (COVID-19 vaccine) para sa ating mga kababayan,” ani Go sa pagsasabing kinakailangan ding sundin ang maayos na proseso bago gamitin ang bakuna.

Inilatag ni Department of Health Secretary (Francisco) Duque ang timeline ng vaccine development and trial sa bansa, until March 2021 ang estimated time na matatapos ang phase 3 trial,” aniya.

Ibig sabihin, dadaan ito sa mga clinical trials. Importante po ay maging safe ito sa Pilipino,” dagdag ng senador.

Sa sandali namang masertipikahan na ligtas at epektibo ang paggamit nito, sinabi ni Sen. Go na dapat ay unahing mabibigyan ang mahihirap at vulnerable sectors upang makabalik na sila sa normal na pamumuhay.

Kami naman ni Pangulong (Rodrigo) Duterte, kapag mayro’n nang vaccine na available at nadeklarang safe na po ito ay uunahin namin ang mga mahihirap at ‘yung mga vulnerable sector,” aniya.

Pero ani Go, guwag madaliin ang produksyon at ang availability ng COVID-19 vaccine dahil napakaimportante aniya na madeklara itong ligtas.

Ayaw natin na mayro’n na namang another controversy na mangyayari tungkol dito sa vaccine. Importante po para sa amin ang buhay ng bawat Pilipino,” aniya.

Samantala, sinabi ni Go na may “ongoing collaboration” sa pagitan ng multinational drug companies at Philippine authorities kaugnay ng pagsasagawa ng clinical trials at access sa COVID-19 vaccine.

Nakausap ko rin po kagabi si (Food and Drug Administration Administrator) Director General Eric Domingo, mayro’n na hong mga iba’t ibang—katulad ng Sinovac—nag-a-apply dito sa Pilipinas. So, ang gagawin nyan magkakaroon ng clinical trial na po sa ating bansa at, I’m sure, marami pang iba na mag-a-apply,” ani Go.

Iginiit din ni Go sa Department of Science and Technology, ang lead agency na incharge sa COVID-19 clinical trials tiyakin na ang proseso ay magiging maayos subalit naaayon sa scientific standards.

So antay-antay lang po tayo. Ang importante rito ay maging safe po at ongoing ang coordination natin with the World Health Organization on vaccine development and they have identified places and hospitals that will be used for the clinical trial phase 3,” aniya.

Ayon sa senador, may nailaan na ang gobyerno na pondo sa pagbili at pag-develop ng COVID-19 vaccine at gumagawa na rin ng paraan ang pamahalaan upang madagdagan ang badyet para mapalakawak ang immunization program.

Mayroon pong nakalaan na budget para pambili ng vaccine. Naghahanap ang ating finance managers ng pera kung sakaling kulang pa po,” aniya.

Ipinayo naman niya sa publiko na patuloy na sumunod sa health and safety protocols, gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields, sundin ang social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.