Home>News>Nation>Go hiniling na magdoble-kayod gobyerno pars labanan ang COVID

Go hiniling na magdoble-kayod gobyerno pars labanan ang COVID

GoSA muling pagtaas ng bilang ng mga nahahawa ng COVID-19, nanawagan si Sen. Christopher ‘Bong’ Go sa mga ahensya ng gobyerno na magdoble kayod sa pagpapatupad ng health and safety protocols.

Umapela rin si Go sa publiko na makipagtulungan upang mapabagal ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Go masasayang ang mga naging sakripisyo sa nakaraan kung magiging kampante na ngayong nagsisimula pa lamang ang pagbakuna at hindi pa nararating ang herd immunity.

Upang makasunod ang publiko, sinabi ni Go na dapat ipagpatuloy ng mga ahensya ng gobyerno ang pamimigay ng face masks at pagpapatuloy ng pagpapakalat ng tamang impormasyon upang maiwasang mahawa.

Tiniyak ni Go na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mapabilis ang pagbabakuna alinsunod sa inilatag na polisiya kung saan mauunang bakuhanan ang mga frontliner.

Uunahin din umanong mabakunahan ang mga nasa mahihirap na komunidad, gaya ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.