Home>News>Nation>Go isinulong disenteng pabahay sa bawat Pinoy

Go isinulong disenteng pabahay sa bawat Pinoy

Bong Go

ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go ang mabilis na pagpapasa ng panukalang magpapalaki sa pondo ng national housing programs at sa mga serbisyong pabahay para mga Filipinong walang sariling tirahan.

Ginagawa ito ni Sen. Go sa pagdinig ng Senate committee on urban planning, housing and resettlement nitong Miyerkoles.

“Let me reiterate that the need for proper and adequate housing has been a perennial problem plaguing the country since time immemorial. I have witnessed first-hand the situation of our fellow countrymen sa pag-iikot ko at pagbibigay tulong sa mga nasunugan,” ani Go na siya ring vice chair ng komite.

“At dahil sa pandemic, nadagdagan pa sila ng bagong kalbaryo. Nakakaawa po sila. Bigyan po natin sila ng pagkakataong makamit ang kanilang pangarap na magkaroon ng kanilang sariling bahay,” dagdag niya at idiniing karapatan ng bawat pamilyang Filipino na magkaroon ng disenteng bahay.

Inihain ng senador ang Senate Bill No. 203 o ang National Housing Development, Production and Financing Bill noong Hulyo ng nakaraang taon.

Layon nito na makapag-generate at makapag-mobilize ng pondo para madagdagan ang low-cost housing production; makapagbigay ng support mechanisms sa pagpapalakas ng access sa housing options; garantiyahan ang strong, sustainable, accessible at affordable housing finance system at pataasin ang private sector participation at iba pa.

Aatasan nito ang Department of Human Settlements and Urban Development na mag-implementa ng component programs ng NHDPF.

Batay sa datos ng Philippine Statistical Research and Training Institute, ang housing demand sa bansa ay lumaki pa sa higit 6.57 million units mula 2017 hanggang 2022. Ang projects demand ng institute ay 22.6 million units hanggang katapusan ng 2040. Samantala, ang populasyon ng Informal Settler Families sa bansa ay patuloy sa paglobo o nasa halos 2 milyon na noong 2019.

Iginiit ni Go na dahil sa limitadong pondo, nabalam ang kakayahan ng pamahalaan na maibigay sa milyong Filipino ang karapatang magkabahay.

Hiniling din niya na masuportahan ang SBN 1227 o ang Rental Housing Subsidy Program Act na inihain niya noong December 10, 2019.

Layon naman nito na ang mga pamilyang nawalan ng tirahan sanhi ng natural at man-made disasters ay mabigyan ng access sa formal housing market sa pamamagitan ng rental subsidy.

Base sa kanyang panukala, ang halaga ng subsidiya ay idedetermina ng DHSUD at ang bawat displaced families ay mabibigyan ng pangkabuhayan sa pamamagitan ng skills at training programs ng Technical Education and Skills Development Authority.

“Kailangan po natin matupad ang ating hangarin na wala dapat maging squatter sa ating sariling bayan. Gusto po natin na magkaroon ang bawat pamilyang Pilipino ng isang maayos at disenteng pamamahay. I commend the good Chairman of this committee for tackling these vital measures to alleviate our poverty-stricken countrymen amidst the pandemic,” ani Go.