Home>News>Nation>Go itinulak reporma sa pensyon  ng militar, uniformed personnel

Go itinulak reporma sa pensyon  ng militar, uniformed personnel

Bong Go

NAGPAHAYAG ng pagsuporta si Senator Christopher “Bong” Go sa panukalang pondo sa 2021 ng Department of National Defense at ng mga attached agency nito, kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines, Government Arsenal, Philippine Veterans Affairs Office, National Defense College of the Philippines at Office of Civil Defense.

Sa kanyang manifestation, sinabi ni Go na ang military at uniformed personnel (MUP) ay may malakingh papel sa pagtiyak ng ng kapayapaan at seguridad ng bansa.

Even the Constitution recognizes the invaluable role of the military and our uniformed personnel in protecting the nation and its citizens from threats, both within and outside the country’s borders,” ani Go na tinukoy ang matagumpay na pagkakadakip ng militar sa tatlong hinihinalang suicide bombers sa Barangay San Raymundo sa Jolo, Sulu.

“This is only one of the many personal sacrifices that our military personnel have to make in order to secure our lives, prevent unimaginable death of innocent civilians and destruction of property. They are important frontliners of our nation. My salute to all of you,” saad ni Go.

Nangako ang senador na patuloy niyang susuportahan ang ating mga sundalo at mga tauhan ng tanggapan nito.

One of his first directives as President Rodrigo Duterte was to double the compensation of the military and uniformed personnel in recognition of their valiant efforts to protect and secure our country,” ani Go.

“When I was still with the Executive, I was the one who continuously followed up and made sure that the directive of the President would come to fruition. Thank you also to our chairman, Sen. Lacson sa suporta po dito,” dagdag niya.

Bilang patunay ng kanyang suporta, inihain ni Go ang Senate Bill 393 na layong mabigyan ng libreng legal assistance ang mga police at military officers na nasangkot sa kaso dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Inihain din niya ang Senate Bill 1419 na magmamantina ng financial flexibility sa bahagi ng gobyerno habang tinitiyak na ang Estado a patuloy na makapagbibigay ng sapat na benepisyo sa men and women in uniform.

Matagal nang kailangan po ang pension reform. Mas malaki ang binabayaran ng gobyerno para sa mga retirees kaysa sa mga sundalong in active service. This is an impending financial disaster na magko-compromise sa fiscal stability natin,” ani Go na humiling na agad ipasa ang nasabing panukalang batas.

Noong 2019, merong mga sergeant majors na lumapit sa amin ni Pangulong Duterte. Nakiusap sila na huwag munang i-implementa dahil marami sa kanila ang gusto mag-retire at makuha ang mga benepisyo nila. Inilapit ko po ito kay Pangulo at pinagbigyan naman sila ni Pangulo,” paliwanag niya.
“Kaya lang, kung hahayaan lang natin ito, magba-balloon na ang fiscal impact ng pension dahil sa old pension system. Hindi ito magiging sustainable in the long run. Balansehin rin natin,” dagdag ng mambabatas.

Ayon kay Go, ang kanyang panukalang batas ay win-win solution kapwa sa pamahalaan at mga miyembro ng militar at magtitiyak din din sa pampinansiyang katatagan ng bansa pero naibibigay ang nararapat para sa kasundaluhan.

Ang mga kasalukuyang nasa active service, hindi apektado. Makukuha pa rin nila kung ano ang inaasahan nilang makuha,” aniya.