Home>News>Nation>Go personal na namahagi ng tulong sa Bulacan typhoon victims

Go personal na namahagi ng tulong sa Bulacan typhoon victims

Bong Go

NAGTUNGO si Senator Christopher “Bong” Go sa Pandi at Norzagaray sa Bulacan para personal na pangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses.

Tiniyak ng senador sa mga residente na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang agad na maisaayos ang mga nasirang estruktura at maibigay ang kanilang mga pangangailangan.

Tandaan niyo: mahalin niyo ang kapwa niyo Pilipino. Kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte, wala na kaming hihilingin pa sa Panginoon, binigay na niya lahat,” ani Go.

Kaya ibabalik namin sa inyo ‘yung serbisyo na para sa inyo. Hindi kami mangangako basta gagawin lang namin ang lahat para sa mga Pilipino. Sa abot ng aming makakaya, magtatrabaho kami para sa inyong lahat,” ayon sa senador.

Namahagi ang grupo ni Go ng food packs, vitamins, masks at face shields sa may 1,421 typhoon victims sa naturang aktibidad sa Pandi Residences 3 at Camp Praise Valley sa Pandi at Norzagaray, ayon sa pagkakasunod.

Inobserbahan naman sa pamamahagi ng ayuda ang health and safety protocols laban sa COVID-19.

May mga nabigyan ng bisikleta para magamit sa kanilang pagbiyahe at tablets para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Hinimok ni Go ang mga biktima ng bagyo na lumapit sa Malasakit Center sa Bulacan Medical Center sa Malolos City o sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Santa Maria town kung kinakailangan para matulungan sila ng gobyerno.

Huwag sana kayong mawalan ng pag-asa dahil nandirito ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para tulungan ang bawat munisipyo na makabangon muli. Ngayon, kung may iba pa akong maitutulong…lapitan lang ninyo ako.

‘Wag niyo akong ituring na senador dahil parehas lang tayong ordinaryong Pilipino,” sabi ng senador.

Magtulungan po tayo, magbayanihan at magmalasakit sa ating kapwa tao. Patuloy kami ni Pangulong Duterte magseserbisyo sa inyo dahil para sa amin ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” aniya pa.