Home>News>Nation>Go pinuri tindig ni PRRD sa 2020 ASEAN Summit

Go pinuri tindig ni PRRD sa 2020 ASEAN Summit

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging tindig sa 37th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na nagpapakita sa mahalagang papel ng bansa sa pagpapaunlad ng mas malakas na pakikipagtulungan sa pag-unlad ng rehiyon.

Sa virtual ASEAN Summit, binanggit at ipinagtanggol ni Duterte ang arbitral victory ng bansa sa South China Sea sa pagsasabing walang sinomang bansa, kahit pa napakamakapangyarihan, na isantabi ang nasabing desisyon.

Idinagdag ng Pangulo na ang panalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal ay isang malinaw at may awtoridad na pagbibigay kahulugan ng aplikasyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

It is now part of international law. And its significance cannot be diminished nor ignored by any country, however big and powerful,” Ayon sa Pangulo sa high-level meetings.

Sinuportahan naman ni Go ang pahayag ng Pangulo sa pagsasabing ang rule of law ay dapat na respetuhin at ang anomang pagtatalo ay kinakailangang idaan sa maayos na usapan ng bawat partido.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng ASEAN neighbors para malagpasan ang kasalukuyang crisis.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Pangulong Duterte. Sa tagal ng samahan namin, kilalang kilala ko na ang Pangulo na palaging uunahin niya ang interes at kapakanan ng mga Pilipino,” ani Go.

Tinalakay din ni Pangulong Duterte sa kanyang counterparts sa ASEAN ang krusyal na usapin hinggil sa public health emergency, climate change, disaster risk reduction management, at iba pa.

Sinisigurado ng Pangulo na hindi mapababayaan ang mga Pilipino, lalo na ngayon na sunod sunod na suliranin ang hinaharap natin,” anang senador.

Sisiguraduhin niya na mapoprotektahan ang buhay ng bawat Pilipino kung kaya ipinaglalaban niya na magkaroon tayo ng access sa COVID-19 vaccines. Pinaalala rin niya ang importansya ng pagtutulungan ng mga karatig na bansa laban sa epekto ng climate change,” ani Go.

Naging adbokasiya na ni Go ang mas maayos na disaster management and response sa bansa kung kaya naghain siya ng panukalang batas na layong lumikha ng Department of Disaster Resilience.

Naniniwala si Go sa mga hakbang ng Pangulo na hindi lamang napapatatag ang ating ugnayan sa ibang bansa, bagkus ay nangunguna rin ang Pilipinas sa kolaborasyon upang magdala ng sustainable development sa buong rehiyon.

Suportado rin ng senador ang commitment ni Duterte na ipagpatuloy ang pag-aalaga ng madiskarteng mutwal na kapaki-pakinabang na ugnayan sa mga karatig bansa habang pinapanatili ang isang malayang patakarang panlabas.

Malaki ang ating papel sa kagustuhan ng ASEAN na pasiglahin muli ang ekonomiya at mapalakas ang laban kontra COVID-19 at iba pang security threats na hinaharap ng rehiyon,” sabi ni Go.

Sa nasabi ring summit, hinimok ni Duterte ang mga kapwa lider na magtulungan laban sa pandemya.

We must work together to ensure that all nations — rich or poor — will have access to safe vaccines. No one is safe until all of us are safe.

Ang Pangulo at si Go ay kapwa nangangako na uunahin ang mahihirap at vulnerable kapag naging available na ang ligtas na COVID-19 vaccine.

Kami ni Pangulong Rodrigo Duterte, uunahin namin ang lahat ng mga mahihirap, lahat ng mga vulnerable sector para makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay. Basta safe na ‘yung vaccine. And, rest assured, as the Senate health committee chair, palagi kong ipaglalaban ang kalusugan ng bawat Pilipino,” idiniin ng senador.