Home>News>Nation>Go suportado 2021 budget ng PCOO

Go suportado 2021 budget ng PCOO

Bong Go

SINUPORTAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang 2021 budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kasabay ng panawagan sa ahensiya na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng tama at napapanahong ulat tungkol sa pamahalaan.

Ayon kay Go, napakahalaga ng papel ng PCOO bilang lead communications arm ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon, gayundin sa paglaban sa pekeng balita na nakapagbibigay ng kalituhan sa publiko, lalo ngayong may pandemya.

Idiniin niya na ang PCOO at attached agencies nito ang nagpapalakas sa sambayanang Filipino na mapalalim ang kanilang sibikong pagkilos para mabigyan ng impormasyon, ma-educate at malinawan hinggil sa pambansang interes.

Dahil po sa PCOO, naihahatid din natin nang maayos at organisado ang impormasyong kailangan ng tao tungkol sa mga proyekto, programa at polisiya ng gobyerno, lalo na ngayong kasagsagan ng pandemya. At napatunayan po ito noong nakaraang Marso, kung saan po nagkaroon ng lockdown. Talagang nag-double time po ang ating [People’s Television Network] at, in fact, kahit madami pong naging positive sa kanila sa COVID-19, ay talagang tuloy-tuloy po ang kanilang trabaho para makapagbigay po ng tamang impormasyon,” aniya.

Sa panahon ngayon na talamak rin ang pagkalat ng fake news at misinformation, hindi lamang tungkol sa COVID-19 kundi sa marami pang isyu, nariyan po ang PCOO upang magbigay ng kalinawan at tamang impormasyon para sa mga Pilipino,” dagdag ni Go.

Pinuri ni Go ang mga naging accomplishments ng PCOO sa pamumuno ni Secretary Martin Andanar para mapalawak at mapalakas ang communication efforts ng pamahalaan.

Inihalimbawa niya ang People’s Television Network na nag-improve, gumanda ang content kaya dumami ang manonood, ang Radyo Pilipinas na siyang flagship government radio station ng Philippine Broadcasting Service mula sa pagiging Radyo ng Bayan at ang ikatlo ay ng Philippine News Agency na ngayo’y sumasabay na sa ilang newswire services sa pagbabahagi ng timely, accurate at relevant information sa publiko.

Binuksan din ng PCOO ang kauna-unahan nitong satellite operations office sa Davao City na malapit nang matapos at tatawaging Mindanao Media Hub.

Binanggit din niya ang naging mahalagang papel ng PCOO para mapalakas ang demokrasya bilang overseer ng implementasyon ng Executive Order No. 2, series of 2016 o ang Freedom of Information (FOI) Program sa buong Executive branch at sa lahat ng iba pang FOI initiatives.

All these are affirmations of how the PCOO has utilized its funding to the fullest […] Ang tanging hiling ko lang po sa PCOO ay siguruhin na mabigyan ng tamang impormasyon ang ating mga kababayan ngayong may hinaharap tayong pandemya,” sabi ni Go.

The information you disseminate does not only ensure a well-informed and enlightened citizenry, it can also save lives in these times of crisis. Sa lahat po ng PCOO, kahit na po marami kayong Undersecretary at Assistant Secretary, alam ko naman pong nagtatrabaho kayo para sa ating kapwa Pilipino. Unahin ninyo lang po magserbisyo para sa ating kapwa Pilipino,” ang paalala niya.