Green groups tinitiyak na abot-kaya ang power cost

January 02, 2020

BINALAAN ng clean energy advocates ang Meralco na mahigpit na binabantayan ng mga consumers ang Competitive Selection Process (CSP) para matiyak na magiging abot-kaya ang kanilang bayarin sa makokonsumo sa mga kompanya ng elektrisidad. Ito ay kasunod nang pagpapalabas ng Meralco ng mga bagong ‘terms of reference (TOR) para sa mga bids ng kanilang 1,200 MW power requirement.

“Meralco should be expecting the mistrust of consumers as during the first CSP, the TOR was so obviously crafted to favor the 1,200 MW coal power plant project of Meralco’s own subsidiary, Atimonan One Energy,” ani Gerry Arances, Convenor ng Power for People Coalition (P4P).

Aniya, ‘welcome’ naman sa kanila ang mga pagbabago na ginawa ng Meralco sa kanilang TOR sa kanilang ikalawang mga ‘bids’ matapos maudyukan ng Department of Energy (DoE), pero hindi umano nila nalilimutan kung gaano ang paghahangad nito na ipapasan sa kanilang mga kostumer ang ‘costly electricity’ mula sa ‘coal’ o karbon.

“Even the DOE expressed concern over Meralco’s blatant favor for its own coal power. We echo this distress, as even with the new TOR, Meralco’s insistent false brandishing of coal as a cheap electricity source and of its Atimonan coal project as clean are highly alarming,” ani Arances.

Binigyang diin ng P4P convenor, na sa pagtatapos ng 2019 na may pinakamataas na naitalang rekord ng ‘red and yellow alerts’ sa loob lamang ng isang taon sa Luzon grid, ay dahil na rin sa karamihan sa pinagkukunan ng elektrisidad ay mula sa coal power plants na aabutin pa umano ng ilang araw bago maibalik ang operasyon kapag nagkaroon ng problema.

“These low reserve periods are almost always followed by a rate hike, resulting in double inconvenience for consumers who lose both their electricity supply and then more of their money to pay for Meralco’s terrible service,” paliwanag pa ni Arances, na siya ring Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development.  

Kasabay nito ay hinamon ng grupo ang Meralco na gawing New Year’s resolution nito na magkaloob at tiyakin na bukod sa abot-kayang halaga, ay ligtas pa sa kalusugan at kalikasan ang kanilang ‘power requirements.’ “This is how Meralco can prove that they have the consumers’ interest, not their own, at heart,” dagdag pa nito.