Home>News>Nation>Guro nahulog 50 ft. mula bubong ng paaralan, patay

Guro nahulog 50 ft. mula bubong ng paaralan, patay

ISANG 35-anyos ng guro ang namatay matapos umanong tumalon at bumulusok ng 50 talampakan mula sa bubong ng kanyang paaralan sa Cagayan de Oro, ayon sa isang radio report.

Sinabi sa radio report na ang nasabing guro ay residente ng Scions, Kauswagan, Cagayan de Oro.

Ayon pa sa radio report, napansin ng mga kasamahan na naging kakaiba ang kinikilos ng guro bago nangyari ang insidente.

Iniimbestigahan pa ang nasabing insidente. Tonight wire monitoring.