Home>News>Nation>Heathy protocols mas pinaigting sa MRT-3

Heathy protocols mas pinaigting sa MRT-3

MAS pinaigting ng Metro Rail Transit 3 management ang health protocols sa MRT-3 trains.

Ito ang paniniyak ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati bilang patunay sa sincerity ng management na protectahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga commuters.

Dinoble natin ang sanitation at disinfection protocols, sa MRT-3. Naglalagay na ang pamunuan ng karagdagang CCTVs habang nagre-realign ng iba pang units sa cleaning areas ng mga stations upang masakop ang mga ito sa security footage ng pamunuan,” ani Capati.

Samantala, may mga personnel na rin na itinalaga upang matiyak na napapatupad ng maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP ang wasto at napagkasunduang disinfection at cleaning protocols.

Sa buong hanay naman ng maintenance personnel ng linya, sinabi ni Capati na maglulunsad ng isang malawakang re-training upang masiguradong hindi na mauulit ang insidente ng paglabag sa disinfection protocols sa mga tren ng MRT-3.

Kaugnay nito magsasagawa nang taunang masinsinang maintenance ang MRT-3, Holy Week Maintenance and Rehabilitation activities sa ika-30 ng Marso (Martes) hanggang ika-4 ng Abril 2021 (Linggo).

Ibig sabihin, walang biyahe ang mga tren ng linya sa mga nasabing petsa.

Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa sa temporary shutdown ay ang pagpapalit ng mga railway turnout sa depot, pagpapalit ng mga point machine, at paglalagay ng CCTV units.

Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track. Ginagamit naman ang point machine upang kontrolin ang operasyon ng mga railway turnouts mula sa MRT-3 Control Center. Mahalagang bahagi ang mga ito ng isang railway system para maging maayos ang railway signaling at pagpapatakbo ng mga tren.

Katuwang ng pamunuan ng MRT-3 sa malawakang rehabilitasyon sa buong linya ang maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP mula sa Japan.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight