Home>News>Nation>Hiling ng LCSP: Curfew gawing hanggang 4 a.m.

Hiling ng LCSP: Curfew gawing hanggang 4 a.m.

HINILING ng commuter at transport groups na gawing hanggang 4 a.m. ang curfew.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ginawa nila ang hiling dahil maraming pasahero ang maagang nasa kalye dahil maaga pumapasok.

Sinabi rin ni Inton na apektado ang mga pumapasok sa trabaho na alas 4 ng umaga pa lang ay kailangan nang mag-abang ng masasakyan.

Nananawagan po kami sa mga mayor ng National Capital Region (NCR) na gawin hanggang 4 a.m.na lamang ang curfew para sa mga pasahero na maaga ang pasok sa trabaho,” ani Inton.

Ayon pa Inton marahil ang isang oras na hiling ng grupo ay hindi naman pagmumulan ng maraming hawaan, bagkus ay malaking bagay ito dahil hindi maiipon sa lansangan ang mga pasahero at hindi nga sila magkakasabay-sabay sa lansangan. Oo at maari naman na ma-exempt sila kung may ID o pass pero abala pa yan sa pagsisita ng kapulisan.

Ang kailangan ay hindi magtagal ang pasahero sa kalye sa pag-aabang ng masasakyan. Dito kasi nawawala ang social distance lalo na ksoag nagagawan ng masasakyan, saad ni Inton.

Nagmungkahi rin ang LCSP na pasiglahin ang programa na hinihikayat na mag carpooling ang mga tao. “At kung mag-aambag man sa pang-gasolina ang mga isasakay ng mga nagmagandang loob na mga may-ari ng sasakyan ay huwag naman hulihin dahil sa pagturing na nangongolorum sila,” dagdag pa niya.

Marami ang tunay na colorum na talagang gawang iligal at hindi mahuli-huli dahil sa may mga timbre sila at lagay sa mga corrupt, ani pa ni Inton.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight