Home>News>Nation>Hiling ng LCSP: MVISP providers suspendihin

Hiling ng LCSP: MVISP providers suspendihin

MARIING nanawagan ang commuter at transport advocate Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) suspindihin muna motor vehicle inspection service (MVISP) providers hanggang wala pang maayos na connectivity sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, dapat na ayusin muna ang sistema at dapat public service ang priority bago ang profit.

Kapag hindi pa maayos ang sistema ay perwisyo ang dulot nito sa motorista na nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan,” ani Inton.

Sinabi ni Inton na ilang motorista ang dumulog sa LCSP at nagpaapot ng kanilang mga reklamo tungkol sa isyung ito.

Ayon sa mga motorista na nagrereklamo, nakaranas sila ng pagsasayang ng pera, panahon, pagkalito, at hirap habang nagpapa-renew ng kanilang mga sasakyan.

Reklamo pa nila sa LCSP, sumunod sila sa utos kahit mahal ang bayad na P1,800 pati re-inspection na P900. Ngunit pagdating sa LTO district office ay ayaw tanggapin ang kanilang sasakyan dahil hindi pa raw ito connected sa MVIC-provider, kaya napilitan silang magpa-emission test muli sa ibang service provider para ma-renew ang sasakyan. Dagdag gastos, dagdag panahon, saad ni Inton.

Sinasabi po sa amin ng mga taga LTO, Dermalog o Stradcom, hindi nila maipaliwanag ng maayos para maintindihan namin at maayos na maireshitro ang aming mga sasakyan,” saad pa ng mga motorista sa LCSP.

Ayon pa kay Inton, ilan pa sa mga LTO offices na inirereklamo ng mga motorists ay ang nasa Mabalacat, Mabiga, at Cabanatuan.

Sa huling report, January 4, 2021 ay nag-isyu ng memo ang LTO na gagamitin na muna ng mga ito ang PETC-ITF ng Stradcom para maayos ang concerns.

Kung ganito pa kagulo ang sistema marahil ay dapat muna i-extend ang waiver ng re-inspection fee dahil sa MVIS operator naman ito mapupunta. Bago sana ang negosyo nila ay aayusin muna ang sistema para sa kapakanan ng mga motorista,” saad ni Inton.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight