Home>News>Nation>INC global lingap aid sa oct.31

INC global lingap aid sa oct.31

Eduardo V. ManaloBilang pagdiriwang ng ika-65 kaarawan ni Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo

SA pagdiriwang ng ika-65 kaarawan ni Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo, ang Iglesia Ni Cristo (INC) ay magsasagawa ng sabay-sabay na Lingap sa Mamamayan outreach activities sa buong mundo sa Oktubre 31, 2020.

Kami ay nakatuon para sa kapakanan ng mga mamamayan, kaya’t pinili naming parangalan ang espesyal na araw ng aming Tagapamahalang Pangkalahatan sa paraan ng pagpapatuloy ng kanyang walang tigil na adbokasiya na pagtulong sa mamamayan sa pamamagitan ng mga local at international projects sa ilalim ng groundbreaking Lingap project,” ayon kay INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr.

Ang Lingap sa Mamamayan o Aid to Humanity ay naglalayong magbigay ng tulong pangkabuhayan at materyal na ayuda sa mga miyembro ng INC at kahit hindi miyembro.

Ang Lingap ay ginaganap hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Para sa ika-65th kaarawan ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang INC ay magdaraos ng hindi mapantayang 300 assistance drives sa iba’t ibang mga lugar sa buong kapuluan, na kinabibilangan ng 117 mga distrito ng INC sa bansa.

Samantala, ang 58 distrito sa ibang bansa ay magsasagawa rin ng kahalintulad na programa sa 116 sites.

Ipinaliwanag ni Santos, Jr. na kanilang ginawa ang espesyal na paghahanda upang matiyak na malawakan ang pamamahagi ng tulong, higit na nakatuon sa mga depressed areas at mga lokalidad na naapektuhan ng katatapos na bagyong Quinta. Magbibigay rin ng tulong sa mga lugar na matinding tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Para sa foreign Lingap activities, ang direktang tulong ay ibibigay sa mga food banks, fire at police departments pati na rin ang mga foundations, paaralan at NGOs.

Kami ay mamamahagi ng food and aid packs na may kasamang bigas, mga de lata, Nutribuns, vitamins, masks at face shields. Para sa aming Lingap aid sa ibang bansa, may cash grants na inilalaan sa mga beneficiary organizations,” paliwanag ng INC official.

Noong 2018, ang homegrown Filipino church, sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation, ay malaganap na nagdaos ng Lingap events sa ibang mga bansa matapos matagumpay na naisagawa ang aid events dito sa bansa.

Maraming mga napasimulang “Aid To Humanity, Fight Poverty” activities na isinagawa sa United States of America at sa Canada.

Noong nakaraang taon, muling itinatag ng INC ang Lingap sa iba’t ibang bahagi ng Europa, Africa, Middle East at Australasia. Ang iba’t-ibang OFW-focused events ay ginanap sa Taiwan, Thailand, Malaysia, Macau at Hong Kong kung saan nakinabang ang halos 10,000 overseas Filipinos.

Ngayong 2020, inatasan ni Brother Eduardo V. Manalo ang buong Iglesia na panatilihin o ipagpatuloy ang assistance program sa kabila ng mga hamon na dulot ng COVID-19 health emergency.

Binigyang diin ni Santos na,”Bumibilis na ulit ang takbo ng aming pagtulong, dala na rin ng dahan-dahan pero tuloy-tuloy na pagluwag ng mga health restrictions. Ang INC ay nagkaloob ng mga PPEs at gamot sa mga ospital at LGU sa mga unang buwan ng pandemya, ngunit nagpasya kaming ganap na mas mapalawak ang mga hakbangin sa pagtulong sa pamamagitan ng well-established Lingap.

Nagkataon na inilunsad naming muli ang Lingap sa kaarawan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo. Ito ay angkop sapagkat ito ay kanyang isinakatuparang proyekto maraming taon na ang nakaraan,” pahayag ng INC General Auditor.

Publication Source :    People's Tonight