Home>News>Nation>Interoperability hiniling ayusin bago cashless transaction

Interoperability hiniling ayusin bago cashless transaction

MARIING iginiit ng commuter at transport groups na ayusin muna ang “Ïnteroperability” issue bago ipatupad ang full implementation ng cashless transaction sa tollways sa buong bansa.

Ang panawagan ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), matapos sabihin ng Toll Regulatory Board (TRB) na malabong magkaroon ng interoperability ngayon 2020 at baka sa 2021 pa raw ito.

Ibig sabihin nito kapag ang sticker mo ay AUTOSWEEP RFID lang – pwede ito sa Skyway, SLEX, NAI AX, Star tollway, MCX at TPLEX. At kapag EASYTRIP naman pwede lang sa NLEX, SCTEX, Cavitex at CALAX. Kaya kung nalilito ka sa dalawa at malimit kang dumaan ng tollway kailangan ay mayroon ka ng parehong stickers para hindi ka maabala,” ani Inton sa isang interview.

Bakit ba kaya hindi na lang magkasundo ang dalawang negosyante na magkaroon na ng interoperability muna bago ang deadline ng cash transaction sa December 2, 2020?, tanong pa ni Inton. “Hindi ba pwede? Hindi ba kakayanin? Kung paniniwalaan ang pahayag ni TRB Executive Director Sales ay tila may malaking sagabal.

Pahayag pa ni Inton, sang-ayon siya sa punto ni Valenzuela Congressman Wes Gatchalian na kung hindi kayang i-activate ang interoperability o pag-iisa ng sistema ng Autosweep at Easytrip ay ipagpaliban muna ang deadline ng cashless transactions sa mga tollways.

Ayon kay Inton, wala naman siyang tutol sa gusto ng Department of Transportation at TRB sa program na ito kaya lang kung magbigay ng deadline dapat ayos ang lahat ng program tulad ng interoperability para makagaan sa mga motorists.