Inton:Pagsakay ni Panelo sa PUV, magandang halimbawa

October 12, 2019

POSITIBO at welcomed development sa commuter group ang ginawang pagsakay sa public utility vehicle (PUV) ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LSCP), magandang halimbawa ito bilang isang mataas na opisyal ng gobyerno na sumakay at personal na naranasan  ang dinaranas ng mga ordinary commuter araw- araw.

“Matagal ng sinabi ng LCSP na dapat lang sumakay sa mga PUV ang public officials at least isa o dalawang araw kung ubra kahit na araw-araw para maramdaman ng mga ito ang kalbaryo araw-araw ng mga ordinaryong commuter,’’  ani Inton.

“Anya sa Quezon City, may resolution ng ginawa si Councilor Toto Medella, hinihikayat ang mga official nito na sumakay ng mga PUV papasok at pauwi at least once a week,” saad ni Inton.

Naniniwala ang LSCP na may malaking impact ang pagsakay ng mga government official sa PUV upang makakita ng mabilis na solution sa matagal ng problema sa traffic sa bansa.

Ayon kay Inton kung tutularan ng libu-libong officials ng gobyerno ang ginawa ni Panelo malaking ambag ito sa posibleng pagluwag ng traffic.

Sa ngayon kahit ordinary government employees ay may kotse, sabi ni Inton.

Patunay anya sa ginagawang clearing operations araw-araw ng Quezon City Task Force Transport Traffic and Management malinit na nahuhuli nila ang mga vehicle na nakabalandra na pag-aaari ng mga employee ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Bureau of Internal Revenue, Philippine Drug Enforcement Agency, Land Transportation Office, National Irrigation Authority, PNP, Bureau of Jail and Management at Quezon City government.

“Hoping sana hayaan nating magkusa ang mga official ng gobyerno na sumakay ng PUV at naway bilisan ang pagresolba sa problema sa traffic,” saad ni Inton.