Home>News>Nation>Isa pang pison ninakaw sa Ecija

Isa pang pison ninakaw sa Ecija

ISA na namang pison na nagkakahalaga ng P.8 million at pagmamay-ari ng dating provincial board member ang ninakaw sa San Leonardo, Nueva Ecija noong Miyerkules.

Ito ang pangalawang insidente ng pagnanakaw ng pison na inireport sa pulisya sa loob lamang ng 10 araw.

Noong Nov. 22, isang pison na pagmamay-ari ng EA Padilla Construction Corporation ang inireport na ninakaw habang nakaparada sa national road construction project sa Bgy. San Vicente.

Ayon kay Provincial police director Col. Marvin Joe C. Saro, ang pangalawang pison ay ninakaw sa isang construction site sa Maharlika Highway sa Nito’s Compound sa Bgy. San Anton, San Leonardo.

Ang pison ay pagmamay-ari ni former board member-businessman-contractor Romanito Juatco, 61, ng Bgy. San Anton.

Naalerto ang mga otoridad sa insidente matapos ireport ng aid ni Juatco na si Victor Garcia, 45, construction foreman, na nawawala ang kanilang Sakai combination roller o pison na nagkakahalaga P800,000.

Ang pison ay hinihinalang isinakay sa boom truck at tinangay ng di pa kilalang mga magnanakaw.

Sinabi ni Garcia na ang pison ay huling nakita sa loob ng kanilang compound noong Sabado bandang 3 p.m.

Agad inutusan ni Saro ang kanyang mga tauhan na i-review ang lahat ng CCTV camera footages sa kalapit na establishments, interviewhin ang mga posibleng testigo at gumawa ng background investigation ng lahat ng trabahador sa nasabing construction site.

Publication Source :    People's Tonight
Steve A. Gosuico
Past President, Nueva Ecija Press Club, Inc.