Home>News>Nation>Jeep drivers, operators tumanggap ng ayuda

Jeep drivers, operators tumanggap ng ayuda

TUMANGGAP ng P6,500 ayuda mula sa pamahalaan ang mga jeepney drivers at operators na hindi nakabiyahe noong panahon ng pandemic.

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nangasiwa sa pamamahagi ng direct cash subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.

Ayon sa LTFRB, ang direct cash subsidy ay programa ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act II.

Ito ay alalay sa mga drivers at operators na nahihirapan makabawi ng kanilang kita dahil sa safety protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa public utility vehicle.

Sa mga driver at operator na hindi pa nakatatanggap, ang distribution ng direct cash subsidy ay gagawin sa mga sumusunod na pamamaraan: paglalagay sa Landbank of the Philippines Pantawid Pasada Program Cash Cards habang sa mga walang PPP cash cards, ilalagay ito sa existing LBP account. Ilalagay din sa existing bank account sa pamamagitan ng PESONet at INSTAPay at Over-The-Counter withdrawal sa mga LBP servicing branches.

Aabot sa P6,500 ang matatanggap na ayuda ng mga kwalipikadong benepisyaryo, ayon na rin sa programa ng pamahalaan upang tulungang makabangon ang mga jeepney driver at operator.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight