Home>News>Nation>Kaso vs ex-DOTC execs binasura

Kaso vs ex-DOTC execs binasura

PINAWALANG sala ng Office of the Ombudsman ang kasong isinampa laban sa dating mga official ng Department of Transportation and Communications, ayon sa report.

Sa 49 na pahinang decision ni Ombudsdman Samuel Martires, ibinasura ang kaso ng katiwalian laban kay dating DOTC Secretary Emilio Abaya, at mahigit 20 iba pang dating official at private individuals.

Ito’y matapos paboran ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration ng mga respondents sa complaints.

Bukod kay Abaya, binasura din ang kasong katiwalian na isinampa laban sa mga dating officials na sina Mar Roxas, Florencio Abad,Cesar Purisima,Carlos Petilla,Mario Montejo,Voltaire Gazmin,Rogelio Singson at Arsenio Balisacan at iba pang individual.

Ibinasura na rin ng Ombudsman ang mga isinampang motion for reconsideration ng mga complainant sa kaso.

Noong 2018, iniutos ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng kaso laban kina Abaya at iba pa.

Nag-ugat ang kaso sa pagsasampa ng kaso sa kontrobersyal na maintenance contract ng MRT-3 na aabot sa 4.23-B.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight