Home>News>Nation>KBK Kinuwestyon ‘Barker’ vs MORE

KBK Kinuwestyon ‘Barker’ vs MORE

KINUWESTIYON ni Koalisyon Bantay Kuryente President Halley Alcarde ang tunay na intensyon ni Jose Allen Aquino na naunang nagpakilalang myembro ng kanilang grupo at inatake ang MORE Electric and Power Corporation sa Iloilo City.

Maalalang naglabas umano ng mga fake news ang Panay Electric Company (PECO) laban sa bagong distribution utility kung saan ginagamit pa nito si Aquino na isa nilang dating empleyado at nagpakilala na convenor ng consumer group na Koalisyon Bantay Kuryente ngunit lumitaw na hindi ito kasapi ng grupo.

Ayon kay Alcarde, si Aquino ay dating kawani ng PECO na nagresign dahil hindi nito nagustuhan ang pamamalakad ng kanilang kumpanya na makailang beses din nyang binatikos.

Bumuo si Aquino ng grupong Power Service Cooperative (PSC) na kalaunan ay nagtangkang kumuha ng kontrata sa More Power ngunit hindi ito naaprubahan.

Makikita sa Facebook page ng PSC na ang deskripsyon sa grupo ay isa itong service cooperative na ang founding members ay mga dating kawani ng PECO kasama si Aquino.

Makikita din sa FB page ng PSC ang mga litrato ng naging product presentation nito sa More Power noong Setyembre 17, 2019.

“Dahil hindi natanggap sa MORE Power, Nakipag kutsaba itong si Mr. Aquino sa PECO para lituhin at ang mga power consumers ng Iloilo”, pahayag ni Alcalde.

Ayon naman sa Power Service Cooperative officers, pinagresign na nila si Aquino sa kanilang grupo. “The PSC Board of Directors made him to file a resignation letter with the coop to allow him focus on his energy watch activities and not to prejudice coop’s operations”.

Matatandaan na una nang inalmahan ng mga original na mga opisyal ng KBK ang paggamit ni Aquino sa kanilang grupo partikular sa naganap na virtual press conference ng PECO kamakailan kung saan nihayag pa ni Aquino na magsasampa sya ng manifestation sa Energy Regulatory Commission(ERC) para hilingin na magkaroon ng refund sa sobrang siningil sa systems loss ng More Power.

Sa isang official statement ng grupo na nilagdaan ni KBK President Harlley Alcarde na inihahanda na nila ang kaukulang kaso laban kay Aquino dahil sa paggamit nya sa consumer group habang lumiham na rin ito sa ERC para linawin na hindi sintimyento ng libo libong miyembro nila ang mga bintang ni Aquino laban sa More Power gayundin ay hindi ito kailanman naging konektado o kasapi sa kanilang grupo.

Ang KBK na rehistrado sa Securities and Exchange Commission ay isang power consumer group sa Iloilo City na koalisyon ng iba’t ibang grupo kabilang ang Simbahan, transport group at teacher and parents association.

Napag-alaman din na makatatlong beses kumandidato sa pagka city coucilor sa Iloilo si Aquino ngunit hindi ito nanalo.

Publication Source :    People's Tonight