Home>News>Nation>Lalaki ‘ginahasa’, bading arestado

Lalaki ‘ginahasa’, bading arestado

IPINADAKIP ng binatang dishwasher ang isang 45-anyos na bading matapos na gapangin umano ng suspek ang biktima sa ikatlong pagkakataon Sabado ng madaling araw sa Malabon city.

Hindi na nakapalag si Joey Unamayor nang dakpin nina Billy Ray Sindon at Armando Tiangco, kapuwa barangay tanod ng Bgy. Tonsuya matapos humingi ng tulong sa barangay ang 21-anyos na binatang biktima dakong 6:30 p.m. kamakalawa.

Sa pahayag ng biktima kina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Jose Romeo Germinal II ng Malabon police, nagsimula ang panghahalay umano sa kanya ng suspek noong Nobyembre 22, 2020 dakong 10 p.m. habang natutulog siya sa bahay ng suspek sa 25 Roque St., Bgy. Tonsuya.

Nagising umano ang biktima nang hubarin ng suspek ang suot niyang short pants at nang tutulan niya ito’y tinakot at binantaan umano siya kaya’t nagtagumpay ang suspek na ubusin ang kanyang lakas.

Muling naulit ang umano’y pagmolestiya sa biktima noong Nobyembre 28 dakong 10 p.m. at ang pinakahuli ay nito lamang Sabado ng dakong 2 a.m.

Nang makabawi na ng lakas ang bitkima ay nagtungo na siya sa barangay upang magreklamo.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Angela Rejano, tatlong bilang na kasong Acts of Lasciviousness ang inihain nilang demanda laban kay Unamayor sa piskalya ng lungsod ng Malabon.

Publication Source :    People's Tonight